Martes, Oktubre 18, 2011

ANG AKING LARO SA KABATAAN AT NGAYON

                          Ang laro para sa akin ay parti ng ating buhay o kayay nakakunikta ito sa ating pagkatao. Ang laro ay hindi kailangan kung sino ka o ano ka. Ang importante lang ay kung paano mo gawin ang laro. Masasabi kong Masaya maglaro o kayay makilaro sa iba lalo na kong walang halong daya ang laro sa dami-dami ng laro, sa tingin ko        binabagay ng laro ang ating sarili. Dahil hindi lahat ng laro kaya nating laroin o kayay hindi natin gusting laroin ang laro. Ang pipiliin natin na laro ay nakabasi sa atin kung anong laro ang lalaroin natin at paano natin to laroin na walang daya para maging patas sa iba.
                          Ang laro ko sa aking kabataan ay masyadong malayo sa laro ko ngayon. Dahil ang laro ko noon ay walang perang nasasayang at hindi kailangan mag-aksaya ng maraming oras. Ang mga larong gustong-gusto kong laroin talaga ay ang tubang priso, patentero, paunpaon, slipper game, halap-halap, doctor wawak, good morning mickey mouse at dakpanay. Peru ang pinakamasayang laro sa lahat ay ang tago-tagoan dahil sa tuwing kami ay nagtatago sa dilim parang may halong takot at saya ang aming nararamdaman kasi natatakot kami peru patuloy parin kaming nagtatago para hindi mataya sa laro at mahilig din akong maglaro sa din akong maglaro ng Takyan sa larong ito palagi akong talo dahil hindi ako marunong kong paano sipain ng hindi nahuhulog sa lupa katulad sa kanila. Peru hindi ito ang dahilan para akoy hindi maglaro nito, sa katunayan ito ang larong masyado akong nagpaoto sa iba para matoto.
              Marahil mahihirap talaga ang mga laro dahil marami-rami narin akong na laro at sa isang laro lang ako napahanga. Ang tinutukoy kong laro ay ang Basketball. Ang na larong ay kinakailangan natin maglaan ng oras at magbigay ng panahon para matutunan ito. Dahil hindi mo ito makukuha. Kung hindi mo ito bibigyang pansin. At bukod sa Masaya itong laroin meron din akong nagustohang katangian sa pagbabasketball. Ang katangian na ito ang ay magandang naiidulot nito sa ating katawan, sapagkat maraming pawis ang nailalabas sa tuwing tayo ay maglalaro nito. Ang Badmenton naman ang pinaka madaling laroin para sa akin, mahilig akong makilaro sa aking mga kapatid ng badminton kapag nasa kundisyon ang aking katawan. Ang larong Ping Pong naman ang pinakamalikut kong laro sa lahat dahil kinakailangan nating maging alerto sa pagtira at pagdipensa sa kalaban at kahit madali mo itong maiitira kinakailangan mo paring mag-ingat sa mga galaw mo para hindi malaman ng kalaban mo na pabalik-balik ang galaw ng tira mo.
             Ang laro naman na pinaka-ayaw kong laroin ay ang larong physical katulad ng boxing. Dahil sa tuwing naglalaro ako ng boxing parang sumasakit ang ulo ko pagkatapos. Sa unang laro ko palang nito ay sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko to magugustohan kailan man. Hind ko rin gusting laroin ang larong Volleyball dahil hindi ko kayang ikuntrol ang bula sa itaas at hindi ako marunong kumoha ng ataki sa kalaban. At habang lumalaki ako napag-iiwanan ko ang larong nakagisnan kong laroin.
                Ang laro ko naman sa ngayon ay medyo magastos dahil kinakailang mong magbayad ng pera para maka laro ka. Ang tinutokoy ko naman ditto ay ang laro sa Computer. Maraming kabataan ang naadik sa computer games at isa na ako doon. Dahil marami ang pagpipilian at madaling gamitin sa katunayan marami talaga ang nakakagusto sa modernong laro galing sa computer. At masyado akong na adik sa laro ito kaya napilitan akong hindi pumasok sa klase namin parang lang makalaro ng dota. Peru nalaman din ito ang aking nanay dahil nakita niya ang mg grado ko na halos walang pasado kahit isa at para malaman niya ang dahilan nito pinuntahan niya ang aking guro para magkunsulta sa aking mga marka.  Masyado nagalit ang inay ko sa akin kaya nagpasya akong tumigil sa larong dota. Peru hindi parin ako tumigil sa paglalaro ng computer games. Sa katunayan meron akong nakitang laro na maganda. At yan ang larong Conquer Online. Mahirap man sa simula, maganda naman sa huli kapag na tiis ka ng mabuti. Ang matindi lang nito ay masyadong magastos ang larong ito. At nong patapos na ang pasukan  tumigil ako sa paglalaro ng conquer dahil hindi na ako binibigyan ng pera. Kaya  lumipat ako sa larong walang bayad at masaya pang laroin. Yan ang larong scoccer, Sumali ako sa larong ito at baka sakaling makalimut ako amgagandang laro sa computer. Nalimutan ko naman ang paglalaro nito peru nong nagsimula na ang klase ulit, bumalik ako muli sa paglalaro ng computer. Peru pagbalik ko sa conquer nadelete  na  ito hindi ko alam kong bakit. Kaya naghanap nalang ako ng bagong laro. Sinubakan kong maglaro ng Counter-Strike, Zero Online, Guilty gears at Eudemons Online. Hindi ko na nagustohan ang mga larong ito dahil nang yari sa aking conquer. Masyado kasi akong nalungkot sa pagkawala nito. At noong nagkulihiyo ako, tumigil na talaga ako sa paglalaro ng computer games para mabantayan ko ng mabuti ang aking mga marka. Paminsan na lang ako naglalaro kapag meron akong ginagawa o kakay wala na akong pasok. Marahil ang paglalaro sa computer ay nakakaadik man, ito naman ang pinagkukunan ng hanap-buhay ng iba sa atin. Kaya masama man ito para sa iba, isa parin ito sa mg makabagong laro natin ngayon. Marami din ang nakikinabang sa computer dahil hindi lang naman ito tungkol sa paglalaro. Pwede rin itong gamitin sa pag-aaral natin. Dahil kahit saan ako magpunta, marami akong nakikitang naglalaro nito o kayay gumagamit sa computer. Masasabi kong ang computer na talaga ang pinakamaraming laro ngayon, peru hindi ibig sabihin na dapat na nating limutin ang mga larong kalye.
       



                                                                                                           Joe Marie P. Perez

Lunes, Oktubre 17, 2011

Buhay Bata nga naman, oh kay sarap balik- balikan!

Ang pagiging bata ang pinaka- hindi malilimutang sandali ng ating buhay, diba?  Naalala ko pa noong bata pa ako ang hilig ko na talagang maglaro.  Laro dito at doon.  Mga pinsan ko ang aking mga kalaro.  Halos sa kanila ay lalaki at mas matanda pa sa akin.  Madalas laruin namin kung ano yaong usong laro.  Halimbawa na lamang nito ang larong takyan, tagu-taguan, tumbang- preso, patintero, X- X, slipper games, bahaw- bahaw, piko, bahay- bahayan, tinda- tindahan, taksi ng: tansan, kaha ng sigarilyo, at minsan mga barya, may larong baraha pa gaya ng: unggoy- unggoy, bulak- bulak, 3 cards at kahit tong- its ay nilalaro naming tapos kung sino ang talo ay papahiran ng uling ng kaldero sa mukha, chiness garter, lupa at langit, doctor- doctor, bari- barilan, shatom, habul- habulan, tumba- balay, beyblade gawa sa tansan, holen, go-go-go-go stop at go-go-go-go run, ang dami ano?  Alam niyo ba’ng  may nakalimutan pa nga ako diyan.  Sigurado ako doon. Ang buhay bata ko noon ang pinaka- masayang mga araw na sa buong buhay ko ay di ko malilimutan.  May ebidensiya pa akong maipapakita sa inyo.  May mga piklat ako sa paa dulot ng pagkahilig sa paglalaro, kung saan- saan nagpupupunta.
Nang dumating ang araw, at ang araw na iyon ay ngayon.  Dalaga na ako.  Kaya’t masasabi ko na iba talaga ang mga laro noon sa ngayon.  Ang mga laro noon ay may mas maraming nai- develop, kasi ang mga naging laro natin no’n, kinakailangan ang yung buong katawan upang kumuopira.  Nadi- develop natin yaong speed, agility, coordination, etc. na yaong tumutulong maging malusog ang ating katawan.  Pati ang “teamwork at sportsmanship” ay nadi-develop rin.  Mas napapawisan tayo, diba?  Kumpara ko ngayon bata man o binata na ay mas nilalaro na nila ang mag laro sa kompyuter o mga “computer games”, ika nila.  Nakaupo lng, kaharap ang kompyuter hawak ang mouse.  Minsan ay nagsasalita pa ng mga di kaaya- ayang mag salita na para sa kanila ay nakakagana.  Kumbaga paraan nila ito para mapailabas nila ang kanilang mga saloobin, kagaya na lamang kung malapit kanang mamatay, talo ka o di kayaya’ y mali ang iyong mag napindot.  Makikita natin na mas malaki ang ‘chansa’ na magkaroon ng mga sakit.  Halimbawa na lamang dahil sa radiation ng yaong kompyuter.  Magastos kasi pag walang pera’t koneksyon sa internet walang larong magaganap.  Di gaya noon libre lang ang mga gamit, eco- friendly.
Oh diba, kaysarap talagang maging bata.  Isang bata na ang gusto lang ay maglaro ng maglaro, bagong damit at laruan, at maraming pagkain sa hapagkainan na ‘chicken joy’ ang pinaka- paburitong kainin may ‘spaghetti’ pa at ‘coke na may straw’, sosyal.  Yung batang hindi pa humaharap sa mga problemang ating nahaharap ngayon. 
Ang sarap- sarap talagang  maging isang  bata.  Gusto ko sanang bumalik sa aking pagkabata pero gustuhin ko man ay di ko na iyon maibabalik pa. kaya payo ko sa inyo mag bata, mag- enjoy kayo habang bata pa.  Dahil kapag lumaki na kayo kagaya ko ngayon ay imposible na ninyong mabalikan ang buhay bata. Ika nga ang oras ay mahalaga ang nakalipas di na maaring balikan.  Isa nalang itong tanaw sa iyong buhay bata.  Pagbabalik tanaw  kumbaga.
No’n o ngayon, alin ba sa tingin niyo ay mas masarap kagisnan?

Miyerkules, Oktubre 12, 2011

Ang Totoong Kasiyahan at Kaibigan ay Nasa Kalyeng Pinagmulatan

Ang kabataan ay hindi salot sa lipunan. Sila ang nagbibigay kahulugan sa isang pamilya. Nagpapagaan ng loob, nagpapasaya, bukas-puso, at puno ng kaamuhan. Ang kaabataan ang nagbibigay kulay sa ating mundo. Kung wala sila, mundo’y tahimik at malungkot. Kaya ng iniluwal ako ng aking mga magulang labis ang pagkatuwa nila. Ako’y isang biyaya mula sa Diyos; sabi ng aking mga magulang. 

Ako’y isang batang masayahin, malikot, at palakaibigan. Suot ko’y puro panlalaki; naka sumbrero, nakadamit na parang isang basketbolista. Sabi nga nila ASTIG! Pero hindi lang ako sa pananamit astig, pati na rin sa mga larong pinoy, este!, mga larong kalye. Kasi kahit babae ako mga nilalaro ko ay laro ng mga lalaki. Gaya ng basketbol, biente uno, tumbang preso,paway, turumpo at holen. Pero kung minsan naglalaro rin ako ng mga larong pambabae, gaya na lamang ng patintero, jackstone, tagu-taguan at bahay-bahayan. Ang saya maging isang bata. Tinagurian pa nga nila akong “reyna ng larong kalye” eh. Parati kasi akong nangunguna sa mga larong nabanggit sa itaas, kaya nga ako’y pinag aagawan nila na mapabilang sa kanilang kupunan. Ang larong biente uno, tumbang preso, at paway ay ang mga larong pinakagusto ko sa lahat. Takbuhan at isang nakakapagod na laro pero nakakaaliw. Kaya nga pag uwi ko ng bahay, pawis na pawis ang buong katawan ko. Ngunit matapos naming laruin ‘yon sa umaga, nag babasketbol kami sa gabi; sa isang kanto malapit sa isang kinukonstrak na gusali. Lunar boi nga ang tawag sa amin kasi kahit gabi na panay parin ang aming paglalaro. Kung minsan nga nagkakapera ako kasi nagpupustahan kami. Ngunit, dumating ang hindi inaasahang pangyayari. Nakaapak ako ng isang pako na nag dulot sa akin ng malaking pagbabago. Hindi na ako pinlalabas ng bahay ng aking mga magulang at hindi ko na nailalaro pa ang mga larong nagbibigay sa akin ng saya. Gayunpaman, ang pangyayaring iyon ang nagtulak sa akin na magbago. Kumilos babae, manamit ng pambabae at maging isang tunay na babae. Tuwang-tuwa ang aking mga magulang. Ngunit naging mahirap sa akin ang lahat ng iyon. Kaya kahit nasa bahay lang ako,nagpagawa si papa ng maliit na basketbolan sa loob ng aming bahay kaya lang ang ate ko,parati akong niyayaya na maglaro ng jackstone, bahay-bahayan at taguan. Nasiyahan naman ako kaya nalimutan ko rin ang pagbabasketbol. Mula umaga hanggang gabi, naglalaro kami ng bahay-bahayan ng ate ko. Siya yong gumaganap na parang nanay at ako naman yong anak niya. Pati mga stuff toys ay ginagawa naming mga bata o di kaya mga studyante ng ate ko. Nakakatawa talaga at napakasaya. Lalo na pag nagjajackstone kami ng ate ko. Ako yong parating nananalo kaya pati mama ko sumasali na rin sa laro namin. Magaling si mama sa pagsalo ng bola ngunit nakakalamang parin ako kasi ako ang bunso ng mga panahong iyon. Kaya nong nagdadalaga na ang ate ko, wala na akong naging kalaro.

Tumatakbo ang panahon at naisipan kong gayahin ang ate ko. Nakahiligan niya ang pagkokompyuter. Natuklasan ko na maraming laro na mas nakakaaliw. Gaya ng supertext twist, sims, plants vs zombies, at iba pang online games. Ilan sa mga ito ay nagbibigay aral ang ilan naman ay aksaya lamang ng pera pero nakakaaliw naman. Kaya nang matuto ako ng mga online games, natuto rin akong mag sinungaling, lumiliban sa klase, at malulong sa bisyo. Bisyo sa pagkokompyuter. Araw- araw halos 50 pesos ang akong nagagastos para lang sa paglalaro ng plants vs zombies at supertext twist na siyang paborito ko sa lahat. Dahil nga sa malimit ko na pagliban sa klase, bumagsak ako sa lahat ng asignatura na siyang pinagtataka ng aking mga magulang. At doon, nalaman nila na hindi ako pumapasok sa klase. Naging malaking problema iyon sa akin. Isang malaking kahihiyan ang dinanas ko. Nawala sa akin ang mga bagay na importante sa akin at ang masklap pa non ay ang pagiging sakitin. Mga mata ko’y nanlalabo at ang madalas na pagkahilo, pananakit ng ulo at paninilaw ng aking mga mata. Sabi ng doctor dahil daw iyon sa malimit na pagtutok ng aking mga mata sa kompyuter. At dito nagsimula ang paghinto ko sa paglalaro ng mga kompyuter games. Sabi nga nila, nakakaaliw pero bawas-buhay rin ang kapalit.‘Di lang magastos, kundi nakakasira rin ng katawan. 

Hay……. Ang buhay nga naman. Hindi puro saya, kundi may mga pangyayari na nagbibigay naman ng aral sa atin. Pero lahat ng mga larong nadanasan natin ay parti ng pagiging isang masayahin at masiglahing batang Pilipino. May mga laro mang nakakasira sa atin, gaya na lamang ng mga laro mula sa makabagong teknolohiya, ay may napupulot naman tayong aral. Nagbibigay sa atin ng mga babala at nagmulat sa atin na hindi sa pagiging moderno makikita ang kasiyahan kundi sa mga laro kung saan makakahanap ka ng maraming kaibigan at nagpapatibay ng lakas ng loob. Kaya mas masaya ang mga larong kalye kaysa sa mga laro ngayon na makabago at moderno. Ang sarap ngang bumalik sa pagka bata eh! Wala kasing problem at ang tanging alam ay makipagkaibigan at maglaro. Kay sarap balikan ang mga pangyayari nong ako’y bata pa. ang pagiging masaya at masigla, lalong lalo na ang pagiging isang pinakamagaling ng mga larong kalye sa aming lugar.

Kaya payo ko lang, huwag nyong sayangin ang panahon. Maglibang kasama ang mga kaibigan at pamilya. Ibigay niyo ang inyong mga natatanging talento sa paglalaro at ang pagiging palakai bigan. Kasi, kahit sa kalye nakagugol ang iyong panahon ay may mga bagay at asal kang matutunan na di lang sa paaralan makikita. Sa kalye, mo maipapakita ang iyong tunay na ugali. Ang pagiging patas, palaban, at ang pagiging mapagbigay. Alalahanin niyo na kapag dumating ang araw na puputi ang iyong buhok, wala kanang sapat na lakas na gawin ang mga bagay na nagbibigay sayo noong bata kapa. Bigyan niyo ng panahon ang inyong sarili dahil ang totoong kasiyahan ay hindi lamang sa mga bagay na iyong natamo sa buhay kundi sa kalye kung saan ka nagkaroon ng maraming kaibigan.

BY: GRACE MARAPAO

Nang Sumibol ang bagong buto

Noong ako’y bata pa, mahilig akong maglaro ng kahit anong bagay mapanlalake man o pambabae. Marami akong naging kaibigan at ito ang isa sa naging katuwang ng aking pamilya sa pagpapalaki sa akin na isang mabuting tao. Minsa’y nagtataka ako na pili ang mga larong nilalaro ng aking mga kaibigan, dahil sa tingin ko wala namang masama kung maglalaro ka ng kahit ano huwag ka lang makapanakit ng ibang tao.

Noon din ay wala akong pakialam sa masinsinang pag-aaral, nag-aaral ako ng mga ilang minuto lang, madalas kasi akong manood ng TV, minsan nga ay napapalo ako ng aking nanay dahil huli na akong kumakain at hindi lang iyan, nagkakandarapa pa siya sa paghahanap sa akin sa aming mga kapitbahay.
Napakasarap balikan ng aking kabataan, Masaya akong nagagawa ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin.

Ang bagay na labis na nakapagpapsaya sa akin ay ang paglalaro ng mga bagay-bagay tulad ng Bikla, Sagudsud, Chinese garter, bahay-bahayan, luto-luto, habulan at marami pang iba.
 Isa rin sa nakahiligan ko ay ang Anime na sa TV ko lang nakikita dahil hindi pa ako marunong mag-internet noon. Nakaka-aliw kasing tingnan ang mga aksyon
.
Nang tumungtong ako ng Grade VI, medyo nabawasan ang aking paglalaro ng mga napakapambatang laro, umaakyat na naman ang ginagawa ko sa isang mas mataas na antas. Mula sa habulan, naging tigso-tigso at mula naman sa panonood ng aksyon sa TV, ako na rin mismo ang sumasabak sa aksyon tulad ng martial arts na ginagawa naming larong pambata.

Ang mga larong luksong-tinik,patintero at taguan ay humirit rin sa aking kapanahunan nang ako’y bata pa at isa ako sa pinakamagaling na manlalaro sa aming lugar dahil nga riyan ng nabansagan akong “Flying kabayo” dahil sa lakas kong tumalon.

Noon din ay naglalaro ako ng Gagamba, pinaglalaban ko sila hanggang sa may matalo. Minsan nga matapos ang klase naming ay pumupunta agad kami ng aking mga kaibigan sa karatig baryo sa medyo bukiring bahagi nito para lang maghanap ng gagamba. Naging aliwan lang sa akin ang paglalaro nito, di tulad ng ibang mga bata na pinagkakaperahan ang gagamba tulad ng pagbenta sa kanila, ang medyo malaki ay binibenta sa halagang limang piso at hindi lang iyan, may umaabot pa sa sampong piso, sabi ko nga “Walang hiya itong mga taong to” pero hinayaan ko nalang.

Nang ako’y mag 1st year sa sekundarya, talagang napakalaki ng pagbabago dahil lahat ng mga larong nilalaro ko ay naglaho, naglipana o ewan, para bang bigla akong naging ibang tao. Napalitan ang mga larong iyon ng Internet games. Ang dating walang gaanong problema, sagad sa isip na dahil maghahanap ka pa ng pera.

 Pinaka-una kong naging laro sa kompyuter ay ang laong Eudemons, isa itong laro na mayroon kang character/hero sa kompyuter, tapos maghahanap ka ng mga kagamitan para lumakas ito tulad ng helmet, armor, sandata, bota at marami pang iba.

Sa mga panahong ito, labis akong naaliw kung kaya’t lagi rin akong napapgalitan dahil nagiging madalas ang paglabas ko ng bahay at hindi na nga ako nakakatulong sa mga gawaing bahay.

Nang mag 2nd year naman ako sa sekundarya, humirit naman ang larong Conquer at napalitan ang Eudemons ko halos magkatulad lang ang dalawang laro pero ang pagkakaiba lang ay mas nakaka-aliw ang conquer sa panahong may “Guild War” o labanan ng iba’t-ibang grupo.

Para sa mga hindi mahilig sa larong ito, unang tingin pa lang ay maguguluhan ka na dahil sa dami ng mga taong nagtatalunan at marami pang iba, pero para sa mga nakaka-intindi, naaliw sila tulad ko. Nang mag 3rd year at 4th year ako nakahiligan ko ang mga laro sa facebook tulad ng King of Kungfu, Mighty Pirates at marami pang iba.

Mula pa bata ako hanggang ngayon, hindi ko na matandaan lahat-lahat ng nilalaro ko dahil sa rami ng mga iyon, ang natandaan ko lang ng mga panahong iyon, ay naging Masaya ako at sapat na iyon para sa akin.

BY: ACE  ALCESTO

ANO BANG NILALARO MO NOONG BATA KA?

Ano ba ang mga nilalaro mo noong ikaw ay bata pa?  Nilalaro mo ba ang mga palarong kalye katulad ng ‘Patintero’, ‘Habol Habulan’, at iba pa.? O kaya naman yung tinatawag nilang ‘Bahay-Bahayan’ para sa mga kababaihan? Kasama mo bang naglalro ang iyong mga kaibigan? Masaya ba kayo kapag kayo ay naglalaro? Hayaan niyo akong ibahagi sa inyo ang mga nilalaro ko noong ako ay bata pa.

Nung bata pa ako, marami talaga akong mga nilalaro. Una na jan ang nasabi kong Patintero, masaya kasi siyang laruin lalo na kapag kasama ko ang aking mga kaibigan. Pangalawa ay ang Habol Habulan, karaniwan itong nilalaro ng mga bata hanggang ngayon. Yun nga lang nakaka pagod siya kasi ang ginagawa mo lang ay tumakbo ng tumakbo para hindi ka mahuli. Pangatlo ay yung Tago-Taguan o sa Ingles ay ang tinatawag nilang ‘Hide and Seek’. Natatandaan ko pa noon na kapag wala akong mahanap o makita sa mga kalaro ko ay umiiyak ako. Umiiyak ako kasi ayukong maging taya parati. Pang-apat ay Bahay-Bahayan. Nilalaro naming ito ng mga kaibigan ko kapag wala kaming magawang iba. Kasama na rin dito yung larong Jack Stone. Kasama kong naglalro nito ay mga kaibigan ko , minsan naman yung Ate ko. Ang Chinese Garter o yung 10-20 kumbaga ay nilalaro ko din nung bata ako. Pero hindi ko na naabot kapag masyado ng mataas. Hindi ko kasi kayang tumalon ng mataas tsaka minsan ayaw akong paglaruin ng Mama ko ng ganun, di daw kasi magandang tignan sa babae. Naging paborito ko ding laruin yung Paper Dolls na laro kasi binibihisan mo yung Papel na may mukha ng iba’t-ibang damit at kung minsan ay pinagsusuot mo ng mga sapatos depende na rin doon sa kung anong kulay nung damit na pinasuot mo sa kanya. Minsan din ay nagluluto lutuan kami ng aking mga kaibigan. Bumibili kami ng mga pagkain sa tindahan at kunwari ay yun ang niluluto namin. Minsan naglalaro din kami ng, yun bang, may isang maghahagis ng tsinelas o yung taya tapos kailangan ay sasaluin ng iba at kung hindi man masalo o walang makasalo ay hindi dapat gumalaw. Mahilig din ako sa larong Volleyball. Minsan nga’y Basketbol pa. Oo, nakakapagod ngang laruin pero masaya naman lalo na kapag marami kayong naglalaro. Yun pang langit lupa na tinatawag nila. Para din kasi siyang Habol-habulan pero hindi ka makukuha kapag nakatayo ka sa mas mataas. halimbawa na lang doon yung upuan, lamesa at marami pang iba. Minsan din kumukuha kami ng mga bote tsaka straw. Ang ginagawa namin ay pinag lilinya linya naming yung mga bote tapos unahan kami sa pag lalagay ng mga straw. Basta, marami akong mga nilalaro dati pero di ko na matandaan yung iba.

Musmos pa lang tayo ay mahilig na talaga tayong mag laro ng kung anu-anong mga palarong pambata na ating nalalaman. Hindi rin masamang kahit isang beses lang ay madapa tayo dahil doon tayo natututo sa mga bagay bagay sa ating paligid. Ang paglalaro ay bahagi ng ating buhay dahil hindi pang habang buhay ang buhay natin dito sa mundo. 

BY: AL-RIZAH MANUA