Martes, Oktubre 11, 2011

Noon at Ngayon 2


Laro. Nagbibigay-aliw sa bawat isa. Maging sa mga bata,sa mga dalaga at binata. At syempre hindi papahuli ang mga matatanda. Kahit medyo may edad na sila ay kaya parin nilang maglaro. Hindi nga lang gaano ka liksi tulad ng mga bata. At kung minsan ang laro ginagamit para pampalipas oras. At bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang hilig o paboritong laro.Ang mahalaga sa lahat ay, ang laro ay nagpapasaya sa atin kung saan ang kasayahang ito ang gumagamot ng ating kalungkutan.

May mga laro tayo noon na hindi na gaano natin nilalaro ngayon. Dahil sa modernisasyon ng ating mundo. Noon sa mga kalye may nakikita pa tayong mga batang masayang naglalaro. Pero ano na ngayon?  Masaya na silang nakikipaglaro pero sa loob na ng internet café. 

Nakakalungkot isipin diba, na ang mga laro noon ay dahan-dahang naglalaho sa paglipas ng panahon?Kaya ngayon,hindi ko maiiwasan na mapa-isip sa mga laro noon. Napakaraming larong kalye noon, may kategorya pa nga sa mga laro. May mga laro noon na para sa mga lalaki, may mga laro din na para sa mga babae at hindi pwedeng mawala ang babae at lalaking kalahok sa isang laro. May mga rules pa nga sa bawat laro. Nakakatuwa isipin diba,na kahit mga bata ay marunong ng gumawa ng mga rules? 

Sino ba naman ang hindi mahilig maglaro noon na kahit isang sentimo ay wala kang magagasta.Katulad ko, mahilig akong maglaro sa ilalim ng sikat ng araw kasama ang aking mga kaibigan at mga pinsan. Minsan pa nga naglalaro kami sa gitna ng kalsada. Kaya walang araw noon na hindi ako napapagalitan ng mga magulang ko habang nakikipaglalaro.

Ngayon sa aking pagbabalik-tanaw, pagmumuni-muni at pagtingin sa cursor na patuloy na kumikindat habang ako'y nag-iisip ng maisusulat, sumagi sa aking isipan ang mga larong pinoy na minsan ko na lang makita ngayon. Ilan lamang ito sa mga nakakamiss laruin na sa ngayon ay di ko na madalas nakikitang nilalaro ng mga bata dahil abala sa paglalaro ng mga modernong laro ngayon tulad ng DOTA at iba pang online games.

Katulad na lamang ng langit lupa. Isa itong  habulang laro na kung saan, para makaligtas ka sa taya na siyang huhuli sa iyo, kailangan mong maghanap ng isang mataas na bagay na siyang magsisilbin'g "langit". Pero di ka pwedeng manatili habang buhay sa "langit" mo dahil bibilangan ka ng sampo at kung hindi ka pa nakalipat ng ibang langit ay magiging taya ka. At ang taya naman, bawal ang bantay sarado dahil tiyak na kakantahan ka ng "Bantay Suka, Doble Taya!".Bago magsimula ang laro ay dapat may taya. At para malaman kung sino ang taya ay kailangan kantahin muna ang, “Langit lupa, palangit-langit, tatlong itlog pakulog-kulog, indian pana papana-pana, gisi-gisi papel wala na kay apil.” At kungsino ang hinintuan ng kanta ay hindi matataya. Ang matira ay ang  magiging taya.

Ang siya ka ang tumbang preso din. Pero kilala ito sa amin bilang tumba lata. Dahil nga isang lata ang ipupwesto ng tayasa gitna ng maliit na bilog. Atpatutumbahin ito ng mga kalaro gamit ang mga tsinelas. Pero isang paris ng tsinelas lamang bawat isa. Kapag nakatayo ang lata at wala ng natira sa base para patumbahin ang lata, maaari siyang manaya ng mga manlalarong wala sa base. Pero sa oras na mapatumba ang lata gamit ang mga tsinelas na syang hinahagis ng mga manlalaro, kailangan nya itong itayo bago sya manaya. 

At higit sa lahat, ang larong patintero.Tinatawag din ito natubig-tubig” o"harang-harang", dahil wala kang ibang gagawin kundi harangin ang mga magnanais makapasok.Ito ang isa sa pinakamagandang laro na puwede sa kalye, lalo na sasiyudad kung saan may mga linya na sa daan.Sa probinsiya kasi aykailangan pang gumamit ng istik para sulatan ang lupa o markahan ng tubigang paglalaruan. Maaring laruin ng tatlo hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat kuponan bago simulan ang laro. Ang bawat kalahok ng isang kupunan ay tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang taya na nakatayo sa gitnang linya ay maaring tumawid sa iba pang linyang ginuhit kaya't napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang kalahok ng kabilang grupo. Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli ng tayang grupo upang makapuntos.Sa amin kilala ang puntos na bilang “one home”.Kung sakaling mayroon isa sa kanila ang mahuli ng kabilang kupunan sila na ang magiging taya. Ang unang kupunan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang magwawagi.

Sa mga larong kalye na yan ang patintero ang paborito kung laro. Ito yung laro na ninais kung  malaro ngayon. Dahil sa laro na ito naaalala ko ang aking kahapon. Ito kasi yung dahilan kung minsan ay napapalo ako ng mga magulang ko. Dahil nga nilalaro namin ito sa gitna na kalsada.Baka daw kasi masagasaan kami ng mga sasakyan. Pero sakatigasan ng ulo ko noon ay patuloy parin akong nakikipaglaro sa mga kalaro ko nito. Ang pinakanamimis ko dito ay iyong mga oras na pinapatulog ako ng mga magulang ko na magkukunwaring tulog at kapag nakatalikod na sila ay dahan-dahan akong lalakad palabas ng bahay para maglaro. At kapag nahuli ako, ay ang bilis kung makatakbo pabalik sa bahay, para bang may “marathon”. At tsaka magkukunwari na naman akung tulog.

Nakakapanghinayang talaga kung hindi mo ito napalaro noon. Kasi sa panahon na ito ibang laro naman ang nabubuo. Larong nangangailangan ng pera.Larong mapaimpluwensya sa mga utak ng naglalaro.Larong dahilan ng pagliban sa klase. Larong pinag-uugatan ng bogbogan at suntukan.Alam niyo ba kung ano ang tinutukoy ko? Ito yung online games, ang pinakabagong laro na kinahiligan ng mga kabataan ngayon. 

Isa sa mga pinakasikat na laro ngayon, ang DOTA, pero di ko ito nilalaro ha. Ito yung kinaaadikan ng mga lalaki ngayon, pwera na lang kung may babaeng naadik din dito.Napaka-ingay sa loob ng internet café. Kasi mapupuno ito ng hiyawan ng mga manlalaro.Sumisigaw pa nga sila minsan, para bang nasa sabungan. At kung minsan tinatawag pa nga nila yung mga santo nila, yung bang mga “yawa, shit” o di kaya ay“fuck you”. Minsan naririnig ko pa na sinisigaw nila yung salitang “IMBA”. At ayun sa kanila ang ibig-sabihin daw nito ay, “imo mama imbalance”. Pero hindi ko alam kong ito ba ay totoo. At kung ito man ay totoo walang magandang patutunguhan ang ganitong klaseng laro. 

Ewan ko ba sa mga laro ngayon.Naiiba na nga kaysa sa larong kalye noon. Pero ano ang naging epekto nito sa ating mga kabataan ngayon? May maganda ba itong naidudulot?

Sa paglalaro ng computer games, naapektuhan ang isip ng isang manlalaro dahil siya ay nagkakaroon ng mga pantasya ukol dun sa nilalaro niya. Ang madalas na nagbibigay ng epekto ay ang mga compyuter games na may karahasan na kasama. Mga larong may sex, pagpapaslang at paggamit ng mga sandatang nakamatay.  Minsan kasi kinokopya ng mga kabataan ngayaon ang mga aksyon at isinasabuhay ito, dahil sa sobrang paglalaro ng computer games.

Ngayon, kung papipiliin ako sa pagitan ng laro noon at ngayon ay mas gugustuhin ko pa ang laro noon ang larong kalye.Kasi ang katutubong laro ay sumisimbolo ng ating pagiging Pilipino. Ito ang larong humubong at nagbibigay kulay sa kamumusan ng bawat batang Pilipino. 

BY: FEOBE DIGAWAN

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento