Lunes, Oktubre 10, 2011

Kabataan Ko Di Ko Malilimutan

Noong bata pa ako, marami talaga akong larong gusto kagaya ng paon-paon, paglalaro ng jolin, patintero doctor wakwak, Sili at Tubig at luksong-tinik. Palagi nga akong nanalo noon at di ko talaga malilimutan ang pangyayari sa buhay ko noong bata pa ako. Gustung-gusto ko ngang bumalik sa pagkabata para makakapaglaro pa ako sa iba pang mga bata. Paborito ko talaga  ang larong paon-paon. Ang paon-paon ay ang laro na kung saan kapag nakahuli ka ng is among kalaban ay siya ay nagiging preso mo. Kapag may nagtangkang sagipin siya ay dapat mong protektahan ang preso para di siya makatakas. Ito ang paborito ko at palagi naming nilalaro araw-araw. Nahahasa sa paglalaro namin ang aming mga kakahayan, pagiging sportsmanship sa kapwa, at pagiging mabuti sa kapwa kalaro at pagiging patas. Dahil sa paglalaro, nagkakaroon ka ng maraming kaibigan at nagkakaroon ka rin ng maraming karanasan sa iba’t ibang mga tao.

Maraming gustong sumali sa laro naming noon at palagi kaming naglalaro. Naglalaro rin kami ng patintero noon. Ang patintero ay isang laro na may tig-aapat na miyembro ang mga kuponan. Kung sino ang taya ang siyang magbabantay at hahabol sa mga miyembro ng kabilang kuponan. Dapat mabilis ka at magaling kang mag-analisa kung saan pupunta ang iyong kalaban para madali mo siyang mahuli. Masayang-masaya nga kami noon at naliligo kami ng pawis habang kami ng naglalaro. Kahit nga ligo na kami sa pawis ay hindi kami tumitigil sa paglalaro. Mataas ang aming stamina kung kami ay naglalaro.

Isa rin sa hilig naming laruin ay ang Doktor Wakwak. Ito ang laro na may takot at katatawa-tawa rin. Ang taya ay si Doktor Wakwak. Isa siyang doctor na hindi mo alam na kumakain ng mga batang pasyente niya. Kayo daw ay mga batang pasyente ni Doktor Wakwak at kayo ay humingi ng tulong sa kanya. Kayo ay dapat lumikha ng isang puzzle gamit ang inyong katawan at hihingi kayo ng tulong ni Doktor Wakwak para pakawalan kayo. Nahahasa dito ang thinking skills ng bawat manlalaro at pati na rin sa mga nanonood. Kapag tapos na kayo gumawa ng puzzle gamit ang inyong katawan, tatawagin niyo si Doktor Wakwak para sa tulong na pakawalan kayo sa pili-pilipit niyong katawan. Pagkatapos niyang ma-solve ang puzzle, ay huhulihin niya kayo isa’t isa at kung sino man ‘yung pinakaunang nahuli ni Doktor Wakwak ang siyang magiging susunod na Doktor Wakwak. Nilalaro naming ito palagi at palagi kaming natatakot sa mga multo dahil sa larong Doktor Wakwak na kumakain ng mga bata.

Ang huling laro na sasabihin ko ay ang Sili at Tubig. Ito ay binubuo ng dalawang kuponan. Ang taya na kuponan ang siyang magiging Sili at ang huhulihin naman ay ang mga Tubig. Kapag nahuli ang isang Tubig, temporaryo siyang hindi makakagalaw. Makakagalaw lamang siya kung siya ay sasagipin ng isa pa niyang kasama. Ang larong ito ay isa sa mga paborito ko rin dahil nahahasa nito ang bilis mo at ang magaling na pagdedesisyon na sasagipin mo ang is among kasama.

Ngayong malaki na ako, naglalaro na ako ng mga computer games. Maraming klase ng laro na hilig ko ngayon. Gustung-gusto ko na ngayon ng larong DOTA. Noon, mahilig ako sa mga larong pambata pero sa ngayon ay iba na ang mga kahiligan ko. Ang mga online games kagaya Garena at Conquer ang kinahihiligan na ng mga kabataan sa ngayon. Kaakibay ng mga computer games ang social networking. Mga social sites kagaya ng Facebook ang kinahihiligan ko rin sa ngayon. Marami ang mga naging disadvantage sa paglalaro ng computer games sa akin. Ikauna, kailangan ka pa ng pera para ako ay makapaglaro sa DOTA o di kaya’y makalaro sa Facebook. Hindi kagaya sa laro ko noon na libre kang makakalaro at anytime anywhere pa. Ikalawa, napapabayaan ko rin minsan ang aking pag-aaral dahil focus ako sa paglalaro. Ikatatlo, nakakagastos ka ng malaking pera para lang makalaro ng computer games. Pero hindi naman puro di-kanais nais ang hatid ng computer games. Nahahasa din dito ang abstract sa iq mo. Noong nagkaroon ng IQ test sa CED ay naging Very High ang IQ ko sa abstract dahil magaling ako sa mga complex na bagay kagaya doon sa DOTA.

Sa mga larong pambata, may mga advantages din. Ang mga ito ay ang sumusunod: Una, nagkakaroon ka ng ehersisyo sa katawan. Ikalawa, nagiging considerate ka sa iba dahil nagkakaroon ka rin ng karanasan na ikaw magkamali. Ikatatlo, nahahasa din dito ang pagkakaroon ng magandang asal sa kapwa dahil nalalaman mo ito sa iyong mga kalaro. Ikaapat, nahahasa rin dito ang kakahayan mong mamuno para sa iyong mga kalaro. Ang paglalaro ay para na ring leadership training para sa iyo. Ikalima, nagiging masaya ka at nakakalimutan mo ang iyong mga problema. Mayron ding mga disadvantage ang mga larong pambata. Mga pag-aaway at suntukan na ang isa dito. Komon na kasi sa mga bata na kapag sila ay natatalo dahil sa hindi patas kaya sumusuntok sila sa kanyang ibang kalaro. Kaya kung maglaro ka ng pambatang laro ay dapat patas ka sa iba. Nagiging pantay-pantay ang mga manlalaro at sila lahat ay kailangan na sumunod sa batas sa laro.

Nasabi ko sa sarili ko ngayon na iba na talaga ang mga bata sa pagiging teenager nila ngayon. Sila noon ay may magandang asal, patas sa iba, isinasaalang-alang nila ang kasiyahan ng bawat manlalaro at hindi sila nagsisimula ng away bagkus ay sila mismo ang nagsisinula ng laro. Ang mga bata nga noon ay kung si sino lang ang isasali sa kanilang laro pero ngayon na teenager na sila ay parang masyado na silang private sa sarili nila na hindi na sila nagpapasali sa mga laro kagaya ng DOTA. Ang mga magkakaibigan lang ang pwedeng sumali at eksklusibo lang ito sa kanila. Nagiging makasarili nga ang tao habang sila ay lumalaki. Naiisip ko nga na ang mga kabataan ngayon nga ang nagsisimula ng away kung sila ay matalo sa online games.  

BY: JOSHUA PITOGO

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento