Martes, Oktubre 11, 2011

Ang Mga Nilalaro ko Nong Bata Pa Ako

Ang paglalaro ay isa sa mga bagay na una nating natutunan noong tayo ay mga bata pa lamang kasama ang ating mga kaibigan ditto tayo nagkakatowaan bawat laro ay mga bagay tayong natutunan at nadedevelope.Meron tayong iba’t ibang katawagan bawat laro bawat lugar.Ito ang ilan sa mga nilalaro ko noon sa aming lugar.

Ang mga larong hinding hindi ko malilimotan na nilalaro ko noon ay ang mga bahaw-bahaw, dakpanay,bato-lata,sipa-lata,tago-tago-an,shatong,takyan(bingahay),at luksong tinik. Sa mga larong ito nadedevelope ang pagkakaibigan,kasiyahan,teamwork,at kalusugan. Hindi lang ito ang nilalaro ko ,minsan naglalaro din ako ng kumpyuter games yung kumpyuter na hinuhulogan ng piso at yung may manubila pa ang gamit kadalasang nilalaro ko ay Mortal Combat masarap itong laro-in kaya lang may masamang ipikto ito iba sa aking mga kaibigan ay hindi na pumapasok sa paaralan lage nalang silang naglalaro sa kumpyuter at ang iba panga ay nangunguha ng pera sa kanilang magulang kaya nong malaman ito ng aming Kapitan agad niya itong pinatigil . 

Meron din akong ni lalaro na ang tawag ay luthang ito ang ginagamit naming baril-barilan na ang ginagamit naming na bala ay kapayas nilalaro naming ito tuwing gabie kahit masakit masaya parin itong laroin nong minsan pangay may taga ibang bayan ang pumunta sa aming barangay para makipaglaro nito kaya lang kung minsan nagiging personalan na ang laro ang iba ay nag aaway na kaya nagpasya na kami na itigil na name ito para maiwasan ang gulo. Meron din kaming laro na ang tawag ay labo-labo isa rin itong pisikal na laro sa amin kung saan ay nagbabatohan kami ng bola ang bola na ginagamit naming ditto ay yong bola ng tennis sa larong ito hindi talaga maiiwasang magkasakitan pero sa larong ito nadedevelope naming ang pagiging sportsmanship dahil kahit ito’y masakit pinipigilan naming magalit kasi alam naming na ito’y parte lamang nanglaro, sa larong ito meron din kaming ginawang batas para maiwasan ang hustong sakitan kagaya ng hindi mo pwedeng lapitan ang iyong babatohin pwede molang siyang batuhin ng malapitan kung siya mismo ang lalapit sayo o di kayay malpit siya sa iyo nagn makuha mo ang bola at isa rin sa batas naming dito ay hindi mo pwedeng itakbo ang bola papalapit sa babatohin mo kay langan ay doon kalang sa lugar kong saan mo nakuha ang bola at hindi kana pwedeng lumapit wla rin itong scoring kay langan lang ay bumato ka. At minsan naman ay naglalaro ako ng golen sa likod ng aming klasroom marami kaming nag lalaro nito at may iba’t ibang klasi din nang laro na ang gamit ay golen isa na dito ay yung tangkolay(bongkolay) masakit ito kong ikaw ang matangkulan(mabongkulan) at yung isa nito ay taksi kung saan naglalagay kami ng golin sa gitna ng bilog at isa isa kaming titira at kung makakakuha man ito ay sa amin na. Sa larong ito nadedevelope namin an gaming galling sa pag- asinta at timing sa pagtama ng golen. May laro din kami na ang tawag ay sticker sa larong ito kung sino yong sticker na komolob o nabaliktad ay talo. Gamit ang sticker may dalawa kaming katawagan sa laro nito, ito ay yung text at aper yung text ay nilalagay naming an gaming mga mato(mga pinipili naming sticker para ipanglaban)sa iisang kamay at sabay-sabay silang itatapon paiitaas atkung kanino yung mato na nabaliktad pag baksak ay siya ay talo at mag babayad siya nang mga sticker depinde sa napagkasundoan naming sa larong ito nadedevelope naming ang pagiging critical thingker dahit nagiging critical thingker kami sa pagpili ng mga mato sa laro naming aper ito ay na iiba sa larong text dahil dalawa lang ang pwedeng mag laro kung saan nilalagay ang sticker sa aming mga palad at agad kaming magaaper at kung sino yung sticker na bumaliktad pag bagsak ay talo at magbabayad siya ng depende sa napag kasunduan. Meron din akong nilalaro na ang tawag ay kadang kadang gawa ito sa dalawang kawayan kung saan ako pumapatong nito sa larong ito nadeddevelope ko ng husto ang galling ko sa pag balance upang hindi matumba.

Bakit ba kay sarap balikan ang pagiging bata. Sa tuwing naiisip ko ang mga laro ko noon sa ay hinding hindi ko maiwasang malungkot kasi ngayon minsan nalang ako nakakakita ng ibang bata na nag lalaro ng mga nilalaro ko noon para bang nawawala na ito ngayon pero kahit naganon hinding hindi talaga mawawala ang sarap sa pagiging bata ko.

BY: ALADIN NUNEZA

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento