Martes, Oktubre 11, 2011

Kwento Ko Tungkol Sa Mga Laro Noon At Ngayon

Lumaki ako na marami ang nalalaman na laro dahil lumaki ako sa isang komonidad na maraming bata. Sa tingin ko mabuti yun, dahil kung sa isang nayon na mayayaman ang nakatira ako pinalaki na kung saan ang mga bata ay hindi pinalalabas nang kanilang magulang hindi siguro ako ngayon marunong lumaro ng kahit na simpleng laro na tinawag nila na luksong baka.

Ang laro noon ay mas masaya kay sa ngayon na mas moderno at mataas na teknolohiya sa gayon paman hindi talaga matutumbasan ang kasiyahan ng bata kung makakalaro nila ang kanilang kaibigan. Mabuti na nadarasan ko iyon dahil sa mas marami kapang kaibigan na makilala naka hersisiyo kapa. Ang laro noon ay mas maganda sa kalusugan kay sa ngayon na mas mataas na teknolohiya. Ang mga laro ko noon ay tumbang priso, luksong baka, patentero at marami pa. Noong bata pa ako marami akong kaibigan sa school at kahit sa aming baryo. Siguro halos lahat ng pamilya ngayon ay may mga kompyuter na. Ako noon nang wala pa kaming kompyuter sa bahay o nong wala pa na uso yung kompyuter, pagkauwi ko agad sa paraalan ay dali dali ako magbibihis dahil maglalaro ako sa labas. Ngayon siguro pag-uwi nang mga bata galing paaralan ay dali dali sila sa kanilang kompyuter. Ang pinaka nagandahan at nagustohan ko na laro ay patentero, isa sa mga laro nisa sa mga laro ng kahit na sino, lalo na kapag cool na mga barkada ang kalaro mo, magkakaroon kayo ng kampihan at iiwasan mo ang mga nagbabantay at iiwasan mo mataya ng taong bantay, kailangan ng mabilis at magaling na teamwork dito. Dahil lagot ka kapag nahuli ka, baka masisi ka pa ng mga kakampi mo., magkakaroon kayo ng kampihan at iiwasan mo ang mga nagbabantay at iiwasan mo mataya ng taong bantay, kailangan ng mabilis at magaling na teamwork dito. Dahil lagot ka kapag nahuli ka, baka masisi ka pa ng mga kakampi mo. ang larong ito ay may dalawang grupo kahit madami at kung madami mas masaya. Ang patentero ay mga patakaran na dapat sinusunod ng mga manglalaro kagaya nalang ng bawal ang lumampas sa linya na itinakda ayon sa mga grupo, kapag nahawakan kahit-isa sa mga manglalaro ayon sa gupo ay tapos na ang kanilang pagkakataon at ang isang grupo nanaman ang maglalaro na ang humaharang para hindi makalampas kahit isa manlalaro sa kabilang grupo, dapat ang dalawang grupo day may katumbas na bilang at ang iba pa nga ay iniiba ang patakaran. Holen at teks, marami akong holen sa bahay at teks noon at ang iba pa nga binabasura ng aking mama dahil nakakalat kasi ito sa bahay at ako naman ay umiiyak ng ibinabasura ng aking mama ang aking mga laruan na teks at holen. Ang larong teks kung ano ang nauuso sa tv yun din ang larawan na nasa teks kagaya ng pokemon, yugi-oh, dragon ball, flame of recca, power rangers at iba pang sikat na teleserye na pang bata. Minsan hindi mo alam bakit may araw na ang galing galing mo at laging lumalabas ang pamato mo. At ang holen naman ay isa sa laro ko noon na kung saan ang pinaka huling maka shoot sa ginawa namin butas, bali paunahan maka shoot at dapat makatama ka muna ng kahit isa lang na holen at i shoot sa butas. Luksong tinik at luksong baka, ang larong ito ay dapat magaling ka lumundag, tatalunan mo ang mga taya. Sa luksong tinik dalawa ang taya. Bali magkagrupo Ito naman may dalawang tao na taya at nakaupo itong dalawa, gamit ang paa at kamay para mapataas ang bagay na tatalunan mo, at kapag sumabit ka ikaw naman ang taya. Luksong baka, Bukod sa tinik meron pang baka, ito yung may taya na nakaupo sa umpisa, tapos pataas ng pataas hanggang sa nakatuwad na ito, tatalunan mo lang ang likod niya at kapag nataya ka edi ikaw naman ang taya, simple lang ang larong ito. Kailangan mo lang talaga na magaling kang tumalon. Sili sili maanghang,  hindi ko sigurado kung ito ang tawag ng larong ito, isa rin itong klase ng habulan na kapag nataya ka eh gagalaw ka na parang naaanghangan at hahawakan ka ng isa pang kasali at sasabihin niyang tubig para makagalaw at makatakbo ka na ulit. At kapag nataya kayong lahat ang sasabihin niyong lahat ay VIVA!.

Laro na gamit lamang ay kamay, at mata. Frozen Throne, Dota at Garena ay iisa. Itong larong ito ay maliban sa kamay at mata gumagamit din ito ng mouse at key board. Ito ang pinaka uso sa pilipinas marami ang na adik nito kahit ako ay na adik noon at hangang ngayon. Nagsimula akong maglaro ng dota noong nasa 1st yr high school ako tagahapon ako lumalaro ng dota pagkatapos ng klase. Ang larong ito ay gumagamit ng estratehiya, ang gagawin mo lang ay mamimili ka ng hero, at items na gagamitin mo para lumakas o depende kung anong klasi ng iyong hero iyong pinili may tatlong klasi ang mga characters o hero na pipiliin mo ma intellect, strenght at agility. At para makapera o “gold” ka dapat ka pumatay ng mga creeps ko mga kawal ang tawag namin sa paraang ito ay “farm”. Sa larong ito gumagamit ka talaga ng utak at stratehiya kung paanu mo mapapatay ang ibang hero kaya dapat marunong ka mag “build” ng skill at kagamitan o “items”.

Dapat mong protektahan ang iyong kampo kung nasa sentinel ka dapat mong protektahan ang tree of life at kapag nasa scourge ka naman ang protektahan mo ay ang ice crown. Magtulong tulongan talaga kayo kung paano ninyu mapatumba ang inyong kaaway. Laro sa facebook, pagkatapos malaos ang friendster umuso din ang facebook. Marami akong mga laro sa facebook at ang pinaka una kong laro noon ay farmville at pet society at lung kalaunan umuso na din ang cityville, raven wood, smurfs, the sims social, car town, social empire, Frontierville at marami pang iba. Maliban sa binangit ko, may isa pa akong nilalaro na kompyuter games at yun ay ang dragon nest. Ang dragon nest ay isang online action RPG, isang adventure game na may apat na starter class, kagaya nalang ng warrior, archer, cleric at sorceress. Bawat isa ay may misyon o hahanapin. Ang gagawin mu lang ay sumunod sa utos ayonsa iyung misyon at bawat isang misyon matatatapos ay may premyo pero hindi lang diyan na tatapos ang iyong gagawin dapat mo rin pagandahi ang iyong kasuutan may lima namang klase ng kasuutan kagaya ng bronze, magic, rare, epic at elite. Isang larong nakaka adik pero sulit naman. Ang laro noong pambata ay pinaganda lamang ng teknolohiya gamit ang kompyuter at internet.

BY: KARYLL GO

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento