Lunes, Oktubre 10, 2011

Ang Laro Ng Ating Kabataan

Ang paglalaro ay isa sa pinaka-importanteng parte sa buhay ng isang bata. Lalo na sa buhay ng mga batang Pilipino. Nakagisnan na natin ang iba’t-ibang larong kalye na parati nating nakikita saanman sa pilipinas. 


Isa sa mga larong pinoy na pinakagigiliwan ko ay ang larong Tigso. Ang larong ito ay nilalahukan ng apat o higit pang mga manlalaro. Ito ay nilalaro gamit ang pagtakbo at pag-ilag. Sa larong ito may dalawang base, na pwedeng bato,kahoy,tabla at iba pang pwedeng apakan ng mga manlalaro. Ang pag-atake ay ginagawa ng kahit sinomang miyembro ng magkabilang panig. Ang objectiv dito ay ang pag-ubos ng lahat ng miyembro ng kabilang base o pasekretong apakan ang kanilang base. Kung ikaw ay mahuhuli ng kalaban, ikaw ay gagawing bilanggo malapit sa kanilang base at makakawala ka lamang kapag ikaw ay natapik ng isang miyembro ng inyong base. Isa lamang ang tuntunin dito, ito ay ang pagiging masaya habang naglalaro. 


Isa rin ang larong Rizal sa aking mga nagustuhan. Sa larong ito ang bawat manlalaro ay gagawa ng butas sa lupa na kasing laki ng bolang gagamitin. Pagkatapos gumawa ng mga butas ay magguguhit ng isang metro ang layo galling sa mga butas. Pagkatapos itatapon o ipapagulong ng sinoman sa mga manlalaro ang bola at kung ang bola ay papasok sa isang butas, ito ay kukunin ng may ari ng butas at itatapon sa ibang kalaro habang hindi nakalagpas ang anumang parte ng kanyang katawan sa linya. Kung sino ang matamaan ay siyang magtatapon o magpapagulong ng bola sa butas.


Sa dalawang larong ito made-develop ang sportsmanship at ang malalim na pagkakaibigan ng mga manlalaro. Kahit ano pa man ang mangyari, ang mga larong ito ay larong pangkaibigan.


Ang Tumba Lata ay isa rin sa mga nagustuhan ko noong ako ay bata pa. Ito ay nilalaro ng kahit ilang manlalaro na pwedeng maglaro sa isang malaking lugar. Sa larong ito, gumagamit ng isang lata na hindi gaanong malaki at tig-iisang tsinelas naman para sa mga manlalaro. 


Ang unang ginagawa ay ang pagpapatayo ng lata sa kabilang dulo nito. Kung sino man ang huling hindi makapagtayo sa lata ay siyaang magiging taya at ang magbabantay sa lata. Ang gagawin naman ng mga manlalaro ay ang pagpapatumba ng lata sa pamamagitan ng kanilang tsinelas. 


Kapag ang isang manlalaro ay naghagis ng kanyang tsinelas sa lata at hindi niya ito nagawang ipatumba, siya ang pwedeng maging taya kung kukunin niya ang kanyang tsinelas at siya ay mahuhuli ng taya na nagbabantay sa lata. Kapag ang lata naman ay napaitumba ng isang manlalaro. Pwedeng pulutin ng mga naunang manlalaro ang kanilang tsinelas pero dapat nilang bilisan ang pag pulot at ang pagtakbo sa safe zone bago pa maipatayo ng taga-bantay ang lata.


Ang larong In-In nmn o Patintero para sa mga tagalog, ay isang laro na nilalaro kadalasan sa kalsada kung saan may mga guhit. Ang larong ito ay nilalaro ng 4 hanggang 16 na manlalaro. Nilalaro ito sa pamamagitan ng pagtakbo at pag-ilag.


Bago magsimula ang laro dapat munang mag jak-en-poi ang mga manlalaro upang malaman kung sino ang mga kasama at kalaban nila. Ang mga nanalo sa jak-en-poi ay ang mga unang manlalaro na tatakbo papunta sa goal line at pabalik kung saan sila nagsimula. Habang ang mga natalo naman ay ang magbabantay habang sila ay nasa guhit ng kalsada. Hindi sila pwedeng lumagpas sa guhit. Kapag ang mga nanalo sa jak-en-poi ay matatapik ng kalaban sila ay matatalo at magpapalit sila ng posisyon. Ang mga winners naman ang magiging tagabantay at ang mga looser sang maglalaro.


Sa dalawang larong ito naman madedevelop ang kaliksihan at ang mga taktika sa paglalaro lalo na ang pag iisip ng mabilis sa maikling oras lamang. Ang mga larong ito ay nagdedevelop din ng katatagan ng loob at tiwala sa sarili.


Ang larong tago-taguan ay isa rin sa mga pinaka-masayang laro, ito ay nilalahukan ng kahit na ilang manlalahok na interesado. Bago mag simula ang laro, pipili muna ng taya na siyang maghahanap sa mga mag-tatago. Kung sino man ang mapili na taya ay mag-bibilang, at depende na sa mga manlalaro kung ilan dapat ang bibilangin niya. Habang nagbibilang na ang taya, magtatago na agad ang mga manlalaro sa kung saan mas komportable sila.


Pagkatapos magbilang ng taya, ay hahanapin niya na ang lahat ng mga nagtatagong manlalaro habang naka bantay sa lugar kung saan siya nagbibilang. Ang lugar na iyon ay ang tinatapik kapag may nakita siyang manlalaro na nagtatago. Kailangan ring pasekretong tapikin ng mga manlalaro ang lugar na iyon upang hindi sila ang magiging susunod na taya. Kapag may nakitang manlalaro ang taya at naisabi niya ang eksaktong pangalan nito, tanggal na sa round ng laro ang manlalaro at possibleng siya ang susunod na taya depende sa patakaran ng laro. Kapag nakita ng taya ang  lahat ng manlalaro at naisabi ng eksakto ang mga pangalan nila, Matatapos ang laro at magiging taya ang pinakahuling nakita o ang pinaka-una.


Sa larong ito nadedevelop ang katapan ng mga manlalaro sa isa’t-isa, at ang pagiging “keen observant” na magagamit nila sa kanilang pang araw-araw na gawain nila.


Sa lahat ng mga larong naisabi ko sa tekstong ito, masasabi ko na mayaman talaga ang kultura ng mga pilipino. Bata man o matanda, may buhok o wala, masasabi talaga nating lahat na ang larong pilipino ay ang laro ng ating buhay pilipino. Ako ay proud sa mga laro ng ating kabataan.

BY: JOEY IWAY

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento