Martes, Oktubre 11, 2011

Ang Laro Ko Noon At Ngayon

Nong bata pa lang ako kina gigiliwan kong mag laro sa labas kasama ng mga kapitbahay kong mga bata. Mga laro naming noon ay simple lamang mga larong kahit na di nag kaka intindihan ay may magagawang rule parin. Kahit na ano pang edad mu ay pwede mo paring laro-in. Pero ito ay nakakalimutan o nagiging pang batang laro nalang sa mga college years katulad ko.

Nong bata pa ako nilalaro naming ay “Slipper Game”, Ang slipper game ay isang laro na parang baseball pero di kami gagamit ng bola o pang palo kundi paa naming at tsinilas. May apat na base. Dapat yong isang grupo ang sasalo at mag seserve sa kabilang grupo ang kabilang grupo naman ay siyang sisipa ng tsinilas. Parang baseball nga naman diba?.Home run ang makakabalik sa home base. Ang susunod na laro na natatanda-an ko ay “Pusil dungab”.  Ang pusil dungab naman ay parang tagu-an na din pero di sinisave yong base ng kalaban kundi dapat dungabin yong taya para siya ulit yong taya. Ang bata nga naman parang nag lalaro kami ng pulis at criminal. Bali yong taya yong pulis at yong mga nag tatago ay yong mga criminal. Nakakatawa nga naman dahil ang dami ng criminal isa lang yong pulis.

Ang susunod naman ay “Patentero” sa na tatanda-an ko ito laro ito ay pwede kang magsolo o magkipag teamwork. Dahil ditto na laro may isang team na parang mga pader na dapat yong isang team ay di dapat makaraan sa kabilang dako dahil kong maka punta ang isa sa kabilang dako at makabalik sa labas ay one point na agad sila. Ang susunod naman “Doktor WaWak” nakaka tawa itong laro nato dahil ito ang pinaka korne tawagin na laro dahil may isang doctor na dapat ayosin ang mga nabalikos na mga tao. Pero sa kinalayunan ay magiging aswang siya.

Ang susunod na laro na tatanda-an ko ay “Pa-on Pa-on”, para sa akin ito ang pinaka best na laro ko dahil mabilis kasi akong tumakbo at kaya doon may advantage ako ditto dahil sa mataas yong tikang ko. Ito kasi na game ay parang kung sino yong paon ay siya’y kakainin ng isang bagong naka save sa isang base nila. Parang komplekado diba? Pero kong naranasan ninyong maglaro ng Pa-on Pa-on sabihan ninyo ako kong di kayo nasisiyahan. Dahil di tao ang di nasisiyahan ng larong Pa-on Pa-on.

Lumipas na ang mga maraming laro sa pagka-bata ko baga nalimutan ko na yong iba pero. Ay! Bago ko matapos to nakalaro din pala ako ng tsinis, jolin, langit at lupa, 20-20, mga sarangula, at bahay bahay, sa bahay-bahayan nga parati akong magiging ama dahil siguro maliit yong iba kong kasamang lalake at ako lang yong matangkad. Natoto din akong mag laro ng yoyo, t-song o kahit na gubat-gubatan. Meron din akong isang box ng Yu-gi-Oh sa bahay at Duel Master o Monster. O kay sarap palang maging bata noon. Malayo sa sakit palaging nage-exercise.
Natatanda-an ko nga yong may sunog malapit sa amin, Ang unang sinalba ko ay hindi yong damit, hindi rin yong mga importanting gamit ko, pero yong TXT na ghost fighter, power ranger, dragonball Z, flame of reca, at hunter X hunter ata yon. Natatawa nga ako non eh dahil sa dami-dami pa naman ng gamit na dapat isalba yon pa ang inuuna ko. Natawa nga din yong mga kapitbahay ko dahil pag labas ko sa bahay ko ay yong nasa kabila kong kamay ay ballon na nakuha ko sa birthday ko. Parang 3rd birthday ko noon.

Aw parang na-iba na ako ng topic parang nastory na ako buhay ko noong bata pa ako cge balik tayo sa totoong topic ko. Naransan ninyo na bang mag laro ng gubat-gubat? Para gubat-gubatan na para talagang ikaw yong sundalo ini-imitate nga naming yon sa mga napapano-od naming movie katulad ng brother’s in arms, we were soldier at platon. Para kaming mga totoong mga sundalo dahin may medic pa. Bibili kasi kami ng band-aid sa tindahan noon. Naranasan ko naring mag laro ng gubat sa luthang, gubat sa bala bulitas. Para nga kaming nag rariot sa kasada noon dahil diyan. Takbo doon takbo ditto. Attack ditto attack doon. Parang mga batang walang mga magulang na palaging nag tatakbohan.

Namimis ko na nga yong mga laro ko noon kay sarap sarap balik balikan ng laro na dapat pinapractice parin ngayon. Eh ngayon kasi puro computer games nalang gatulad ng GTA mga violence. Tulad ng DOTA marami ng mga nag loloko na mga bata dahil diyan. Dahil din ng mga computer games marami ng di pumapasok sa mga skwelahan palagi nalang nag pupustahan. Hahays mga bata nga naman noon. Parang ginagamit yong computer para sa laro lang eh kong gamitin naman sa research? May ma aadd ka pa sa nalalaman mu sa subject mo.

Dapat kasi hangang ngayon pinapraktis parin yong mga laro nga dapat nilalaro ng mga bata ngayon. Dahil ang mga laro kasi noon ay makaka pawis makaka exercise kappa di katulad ng ngayon na parang din a kaka-in dahil lang diyan.

BY: ERVIN ARDIENTE

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento