Miyerkules, Oktubre 12, 2011

Nang Sumibol ang bagong buto

Noong ako’y bata pa, mahilig akong maglaro ng kahit anong bagay mapanlalake man o pambabae. Marami akong naging kaibigan at ito ang isa sa naging katuwang ng aking pamilya sa pagpapalaki sa akin na isang mabuting tao. Minsa’y nagtataka ako na pili ang mga larong nilalaro ng aking mga kaibigan, dahil sa tingin ko wala namang masama kung maglalaro ka ng kahit ano huwag ka lang makapanakit ng ibang tao.

Noon din ay wala akong pakialam sa masinsinang pag-aaral, nag-aaral ako ng mga ilang minuto lang, madalas kasi akong manood ng TV, minsan nga ay napapalo ako ng aking nanay dahil huli na akong kumakain at hindi lang iyan, nagkakandarapa pa siya sa paghahanap sa akin sa aming mga kapitbahay.
Napakasarap balikan ng aking kabataan, Masaya akong nagagawa ang mga bagay na nakapagpapasaya sa akin.

Ang bagay na labis na nakapagpapsaya sa akin ay ang paglalaro ng mga bagay-bagay tulad ng Bikla, Sagudsud, Chinese garter, bahay-bahayan, luto-luto, habulan at marami pang iba.
 Isa rin sa nakahiligan ko ay ang Anime na sa TV ko lang nakikita dahil hindi pa ako marunong mag-internet noon. Nakaka-aliw kasing tingnan ang mga aksyon
.
Nang tumungtong ako ng Grade VI, medyo nabawasan ang aking paglalaro ng mga napakapambatang laro, umaakyat na naman ang ginagawa ko sa isang mas mataas na antas. Mula sa habulan, naging tigso-tigso at mula naman sa panonood ng aksyon sa TV, ako na rin mismo ang sumasabak sa aksyon tulad ng martial arts na ginagawa naming larong pambata.

Ang mga larong luksong-tinik,patintero at taguan ay humirit rin sa aking kapanahunan nang ako’y bata pa at isa ako sa pinakamagaling na manlalaro sa aming lugar dahil nga riyan ng nabansagan akong “Flying kabayo” dahil sa lakas kong tumalon.

Noon din ay naglalaro ako ng Gagamba, pinaglalaban ko sila hanggang sa may matalo. Minsan nga matapos ang klase naming ay pumupunta agad kami ng aking mga kaibigan sa karatig baryo sa medyo bukiring bahagi nito para lang maghanap ng gagamba. Naging aliwan lang sa akin ang paglalaro nito, di tulad ng ibang mga bata na pinagkakaperahan ang gagamba tulad ng pagbenta sa kanila, ang medyo malaki ay binibenta sa halagang limang piso at hindi lang iyan, may umaabot pa sa sampong piso, sabi ko nga “Walang hiya itong mga taong to” pero hinayaan ko nalang.

Nang ako’y mag 1st year sa sekundarya, talagang napakalaki ng pagbabago dahil lahat ng mga larong nilalaro ko ay naglaho, naglipana o ewan, para bang bigla akong naging ibang tao. Napalitan ang mga larong iyon ng Internet games. Ang dating walang gaanong problema, sagad sa isip na dahil maghahanap ka pa ng pera.

 Pinaka-una kong naging laro sa kompyuter ay ang laong Eudemons, isa itong laro na mayroon kang character/hero sa kompyuter, tapos maghahanap ka ng mga kagamitan para lumakas ito tulad ng helmet, armor, sandata, bota at marami pang iba.

Sa mga panahong ito, labis akong naaliw kung kaya’t lagi rin akong napapgalitan dahil nagiging madalas ang paglabas ko ng bahay at hindi na nga ako nakakatulong sa mga gawaing bahay.

Nang mag 2nd year naman ako sa sekundarya, humirit naman ang larong Conquer at napalitan ang Eudemons ko halos magkatulad lang ang dalawang laro pero ang pagkakaiba lang ay mas nakaka-aliw ang conquer sa panahong may “Guild War” o labanan ng iba’t-ibang grupo.

Para sa mga hindi mahilig sa larong ito, unang tingin pa lang ay maguguluhan ka na dahil sa dami ng mga taong nagtatalunan at marami pang iba, pero para sa mga nakaka-intindi, naaliw sila tulad ko. Nang mag 3rd year at 4th year ako nakahiligan ko ang mga laro sa facebook tulad ng King of Kungfu, Mighty Pirates at marami pang iba.

Mula pa bata ako hanggang ngayon, hindi ko na matandaan lahat-lahat ng nilalaro ko dahil sa rami ng mga iyon, ang natandaan ko lang ng mga panahong iyon, ay naging Masaya ako at sapat na iyon para sa akin.

BY: ACE  ALCESTO

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento