Lunes, Oktubre 10, 2011

Ang Bagong Kinalilibangang Laro ng mga Kabataang Pinoy

Bawat isa sa atin ay dumaan sa pagkabata. Batang musmus at walang ibang iniisip kundi ang maglaro. Naalala niyo pa ba ang larong una niyong nilaro? Ako, sariwang-sariwa pa sa aking isipan ang larong iyon. Alam niyo ba kung ano iyon? Ito ay ang larong habul-habulan.
Naaalala ko pa nga ng inimbitahan ako ng aking mga pinsan na maglaro ng habulan. Tuwang-tuwa ko talaga ng mga panahong iyon. Tawanan, tapikan, at asaran pagkatapos ng bawat laro ay ang mga bagay na kumukompleto sa panahon ng aking pagkabata. Iyon na siguro ang pinakamasayang araw sa aking buhay.

Nang ako’y tumuntong ng elementary, hindi lang bagong kalaro ang aking natagpuan kundi pati narin mga bagong laro na mas masaya at mas nakakalibang. Ang mga larong iyon ay ang larong Chinese garter, shomoy-shomoy, tumba-lata, luksong baka, slipper game, maro-maro, slipper mannequin, tirabol-tirabol, paglalaro ng Barbie doll at marami pang iba. Hindi ko nga lubos maisip na pati larong panlalaki ay nalaro ko na. Sa lahat ng mga laro na aking naranasan, ngayon ko lang napagtanto na hindi lang pala ako nalilibang kundi hinuhubog din nito ang aking magagandang ugali bilang isang tao. Tulad na lamang ng larong maro-maro. Ang larong ito ay binubuo ng ng dalawang grupo. May isang grupo na magpapaing ng kakampi at pag kumagat ang kabilang grupo, hahabulin na naman iyon ng grupong nagpaing at vice versa. Kung may isang mahuli ay magiging bihag iyon ng kung sino mang grupo ang nakahuli sa taong iyon. Sa pamamagitan ng larong ito, nadedevelop ang teamwork, strategy, bilis ng pagtakbo at iba pa. Hindi ka lang nalilibang kundi natututo ka pa.
Subalit habang lumilipas ang panahon ay parang nawawala na ang mga larong iyon. At kung may natira man ay kakaunti na lamang ang naglalaro ng mga iyon. Ano na nga ba ang mga nahihiligang laruin ng mga kabataang pinoy?

Minsan, napadaan ako sa isang internet cafĂ©. Ang ingay-ingay. Hiyawan, sigawan, at kung ano-ano pang ingay ang ginagawa ng mga kabataang Pilipino doon. Maraming salita ang lumalabas sa kanilang mga bibig subalit ang mga katagang ito ang hindi ko makakalimutan, “Bugoka nimu brad uii!”, “Sh*t! malasa uii!” at ito pa “Bangaa nimu brad uii! Aha man ka giliwat?”. Nang marinig ko ang mga katagang iyon, agad pumasok sa aking isipan ang larong dota. Nalaman ko rin na hindi lang pala mga kalalakihan ang naglalaro ng larong iyon kundi pati mga kababaihan ay naimpluwensyahan na. Nasaan na ang mga dalagang pilipina na ipinagmamalaki natin nuon?

Ako’y isang tao na hindi marunong maglaro ng larong dota subalit ako’y may maliit na kaalaman sa larong iyon na aking nakuha sa mga lalaking kaibigan ko at sa lalaki kong kapatid. Ayon sa kanila, may karakter ka daw na pipiliin upang maging ikaw sa larong iyon. Gayundin ang mga armas na maaari mong gamitin habang ikaw ay naglalaban. Ang larong ito ay maaaring laruin na indibidwal o pangkatan. Kadalasan din daw ay nagpupustahan ng pera ang magkaaway na grupo. Ang malas mo kung ikaw ay kabilang sa grupong natalo. Ibang-iba na talaga ang mga laro ng mga kabataan ngayon, ano? Ano sa tingin mo, mabuti kaya ang pagbabagong ito?

Dahil sa pagbabagong ito, maraming di kanais-nais na ugali ang nakuha ng mga kabataang Pilipino. Tulad na lamang ng pagmumura. Kapag kasi natatalo sila pag naglalaro ng dota ay nagmumura sila upang mailabas daw ang kanilang nararamdaman. Kuang kaya, hindi na ako mabibigla kung gagawin na nila itong ekspresyon. Nakakaapekto din ang pagbabagong ito sa pag-aaral ng mga kabataan. Nawawalan sila ng pukos sa kanilang pag-aaral. Kung minsan nga ay nagkacutting class sila, makapaglaro lang ng larong ito. Isa din sa hindi magandang epekto ay matututo na silang magsinungaling sa kanilang magulang. Kasi pagtinatanong sila kung bakit ang tagal nila umuwi ay hindi nila sinasabi ang tutuo kasi alam nila na pagagalitan sila ng kanilang mga magulang. At higit sa lahat ay natuttuto rin silang magsugal. Sa araw na matututo ka ng magsugal ay ang hirap ng tanggalin iyan at magiging bisyo mo na iyan. At pag nagging bisyo na iyan, gagawa ka talaga ng paraan upang masusustentuhan ang bisyong ito at diyan na sila makakaisip ng mga hindi mabuting gawain tulad na lamang ng pagnanakaw. Marami talaga ang hindi mabuting naidudulot ng pagbababong ito.

Subalit kung may hindi mabuting naidudulot ang pagbabagong iyon ay may kaakibat din naman itong mabuti. Isa na dito ang paghahasa ng kanilang kritikal, analytical at abstract na pag-iisip. Kung mahahasa ng mabuti ang aspetong ito, may malaking porsyento na magiging matalino ang isang indibidwal. Mababawasan ang kanilang pagkakamali sa pagdedesisyon ng isang bagay at maiaaplay nila ang mga natututohan sa pang-araw-araw nila na gawain.

Alam naman nating lahat na kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay may kaakibat itong mabuti at masamang epekto. Subalit kung ang isang tao ay talagang marunong magdala ng isang sitwasyon, ang pagbabagong ito ay may mabuting epekkto sa kanya. Sa kabilng banda, pag ang isang tao ay hindi handa sa mga pagbabagong mangyayari, ang pagbabagong ito ay may masamang epekto sa kanya. Sa bandang huli, nasa tao parin ang desisyon kung papaano niya hahawakan ang isang sitwasyon. It’s either maging sapat ka at gamitin ito sa kabutihan o magpapadala ka at gamitin ito sa kasamaan? Nasa sa iyo ang pagpili.

BY: VANESSA NOBLEZADA

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento