Lunes, Oktubre 10, 2011

Trashtalk

Bobo! Mahina! Slow hands! Mabagal mag-isip! Puta! Yan ang kalimitang naririnig ko kapag pumapasok ako sa internet café ngayon. Pagkagulo-gulo at pagkaingay-ingay. Napupuno ang ere ng kantsawayan at hiyawan. Akala ko tuloy, nag-aaway talaga ang mga tao sa loob. Mga karakter lang pala sa nilalarong nilang DOTA ang pinagkakaguluhan. Ang DOTA ay nangangahulugang Defense Of The Ancients. Ito ang pinakasikat na offline game ngayon na pinag-uusapan kahit saan. Bago ang klase, pagkatapos ng klase at maging sa oras ng klase. Out of place nga ako parati kapag ito na ang topic ng mga ka-blockmate ko sa skul. Pag-uwi ko naman sa boarding house, wala pa ring pinagkaiba ang topic. Dota din ang bukang bibig ng karamihan sa boardmates ko.

Masaya daw kasi ang DOTA. Ibang-iba daw sa lahat. Maaaliw at mawiwili ka raw sa mga palitang salita na binabato sa bawat magkalabang grupo. Trashtalk ang tawag nila dito. Mabisa raw ito, pampawala ng konsentrasyon sa laro ng kalaban. Nagkaka-high tempered ang manlalaro at umu-usbong ang emosyong gumanti, kaya dapat may trashtalk para uminit ang laban. Minsan, sa init ng laban, di maiwasan ang mga taong medaling mapikon. Kaya ayon! Suntukan ang show.

Mahiwaga talaga siguro ang trashtalk, parang nakakapang-akit ng mga negatibong enerhiya. At astig din pala ang pangalan ng mga karakter sa DOTA. May demon witch, terror blade, darkseer, shadow demon, at meron pang Lucifer. Sa mga pangalan palang, akit na akit ang kadiliman. May salita din silang “imba”, pinaikling salita sa imbalance. Tawag nila ito sa mga magagaling magdota. Tumataas ang fame depende sa napatay. May double kill, triple kill, mega kill o kaya nama’y ultra kil. Sa medaling salita, sikat ka pag maraming napatay. Tinagurian nga ito minsan na modernong laro ni satanas. Nililinlang lang daw ang mga naglalaro nito. Masaya at nakakaaliw, pero sa likod ng katuwaan, hindi lang daw talaga napapansin ang mga gawain ni satanas. Gayun din ang mga salita ni satanas na nakakapagpaligaya sa manlalaro. Gaya ng “Beyond Godlike” na nakasulat sa monitor kapag maraming napatay. Sumaya nga ang manlalaro kapag siya na ay Beyond Godlike. Maging ang trashtalk ay gawa ni satanas. Kaya puro masasamang salita ang lumalabas na sanhi minsan ng kaguluhan.
Ganito na pala ang mga laro ngayon. Larong kinawiwilihan at kinababaliwan ng marami. Lalo na sa mga estudyante. Maging ang mga bata nga sa aming lugar ay mahilig maglaro ng DOTA. Naalala ko nga ang pinsan kong sampung taon pa lamang ay marami ng pagmumura ang nalalaman. Dahil kasi sa paglalro niya ng mga computer games, nagagaya na niya ang mga salita ng iba. Kaya bigla akong napatanong sa sarili ko kung nasaan na kaya yung nilalaro naming nuon nang nasa ganyang eded pa ako? Naalala ko tuloy yaong mga lastiko kong nagmimisturang buhok na nakacentipede at wari’y sinturon na inilibot ko sa aking buong katawan dahil sa haba nito. Mga sticker kong mas makapal pa sa pinatong-patong kong libro at dala-dala ko parati para lang mapansin ang kapal nito. Ang laro naming patentero, tumbang priso, habulan o kaya’y tagu-taguan.

Mas marami talagang mapagpipiliang laro nuon. Simple at Masaya. Hindi tulad ngayon, bunsod na rin siguro sa pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya, ay computer games na ang nilalaro ng karamihan sa mga bata. Bukod sa nakakasira sa pag-aaral, nakakabutas pa ng bulsa at nakakasira pa ng mata. Sa computer games ay utak lang ang pinapagana at sampung daliri na tagapindot sa keyboard. Sa laro naming nuon, utak at buong katawan talaga. Mas nasusubok ang totoong kakayahan at abilidad sa paglaro. At hindi na kailangan pang mag-trashtalk.

Sa katunayan, hindi ko matanggi na mas masarap balikan ang mga nilalaro naming nuon. Lalo na ang paborito kung “paon-paon”. Ito ang gustong-gusto kong laro nuon na may pagkakahawig sa larong DOTA ngayon. Gaya sa stuktura ng DOTA, may dalawang base para sa dalawang grupong magkalaban. Sa DOTA, may hero bilang karakter at naaayon sa tatlong grupo, strength, agility at intelligence. Ang unang makasakop o makabasag sa base ay syang panalo. Kagaya rin ng “paon-paon”, may dalawang base at ikaw mismo ang hero at ikaw mismong gamitin ang strength, agility at intelligence para sa larong ito. Kung sino ang makatapak sa base ng kalaban ay may punto. Ang maraming punto ay syang panalo.

Napakamoderno na lang talaga ng mga laro ngayon. Kaya siguro unti-unti na ring nababaon ang mga laro namin nuon. Pero di makubli na mas maraming magagandang aral ang nakukuha sa mga laro nuon kaysa sa mga laro ngayon. Una ang pakikipagkaibigan at pagkakaroon ng kaibigan, hindi ang pagmumura at pagkakaroon ng kaaway. Ang pagtitiwala sa sarili. Kakayahang mag-isip ng istratehiya at pagtutulungan sa grupo upang sa “paon-paon” ay makapunto. Determinasyon na maka-abot sa goal sa larong patentero. At manatiling matatag at matibay para hindi parating taya sa tumbang preso.

Nakakalungkot lang talagang isipin sa mga bata ngayon na hindi na nila nararanasan ang mga laro naming nuon. Kakaunti nalang ang nagpapanatili nito. Kaya ngayon kapag naririnig ko ang salitang “trashtalk”, naiisip ko ang unti-unting paglaho ng mga laro naming yaon. Napalitan na ng makabagong laro na dapat may trashtalk para maging masaya. Larong masaya sa pagmumura. Kaya di mapagkaila na mas masarap balikan ang mga purong saya, natural at enosenteng ngiti at tawa na aming nararanasan sa laro naming nuon na ngayo’y nananatili nalang buhay sa aming ala-ala.

BY: JULY SAMPAYAN

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento