Lunes, Oktubre 10, 2011

Ang Pagkatuto

Simula ng pagkabata ay sinanay na ako ng aking mga magulang na huwag lumabas ng bahay. Palagi akong nakaharap sa mga laruang teddy bear at dolls na bigay sa akin ng mga magulang ko o kaya naman ay sa tita ko, kapag galing siyang amerika. Sa mga bagay na iyon, masisigurado nila ang aking kaligtasan. Naalala ko pa nga noon kung paano ako naiinggit kapag nakikita ko ang mga batang naglalaro sa daan. Sinabi pa nga nanay ko na “magagalos kasi ang mga paa at binti mo kapag hindi ka nakinig sa akin.” Palagi nalang yun nasa isipan ko. Isa akong mabuting bata kaya hindi ko isinusuway ang mga sinasabi niya, hanggang sa tumuntong ako ng elementary. Doon ko nakita ang tunay na kasiyahan sa mga batang naglalaro. Inihahatid ako ng tatay ko sa umaga patungong eskuwelahan at babalikan pagkatapos ng klase. Doon ako natutong maglaro nang langit lupa, bahay kubo, dakpanay, tumba lata at sili-sili. Nasisiyahan akong makipaglaro sa mga kaklase ko. Napabulong nga ako sa aking sarili na “Mas masarap ang makipaglaro sa totoong tao, hindi sa mga tau-tauhan lang”. 

Hindi kalaunan, nalaman ng mga magulang ko ang pakikipaglaro sa aking mga kakalase. Ito ay nang, uwi-an na pero hindi ko namalayan ang oras. Nagpatuloy ako sa paglalaro. Yun pala, hinanap na ako ng tatay ko, at nakita niya akong nakikipaglaro sa mga kaklase ko ng langit lupa. Mabait talaga tatay ko, hindi man lang niya ako ipinahiya sa harap ng mga kaklase ko. Tinawag lang niya ako upang kami’y magsi uwi-an na. Pagkatapos ay tahimik lang ang tatay ko hanggang sa pag uwi. Doon ako pinagalitan ng nanay ko. Hindi nagtagal ay pinayagan na akong makipaglaro sa kanila, nang kausapin ng tatay ang nanay, sabi niya “dapat rin namang matuto si  yen ng makipag socialize.” Sa mga panahon na iyon, hindi ko pa naiintindihan ang salitang iyon pero alam ko na pinayagan na ako sa gusto ko. 

Ilang taon ang nakalipas ay nagpasya ang mga magulang ko na mag bakasyon sa Camiguin, kung saan nakatira ang aking lola at lolo. Doon ko nakilala ang aking mga pinsan, na mahilig sa paglalaro, hindi ng mga teddy bear at dolls kundi ang makipaglaro sa mga totoong tao. Nakahiligan ko doon ang paglalaro ng patintero kung saan dalawang grupo ang kinakailangan. Kung ang unang grupo ang taya ay sila ang magbabantay sa sa daan kung saan dapat malagpasan ng ikalawang grupo ang dulo ng kanilang teritoryo at pabalik. Kung mahawakan ng unang grupo ang isa sa mga miyembro ng ikalawang grupo ay game over na at sila naman ang taya. Napakasarap makipaglaro sa aking mga pinsan, kahit nga ako at ng ate ko ang palaging na hahawakan. Palagi kami ng ate ko ang dahilan ng pagkatalo nang gaming grupo. 

Sa lahat ng mga larong aking natutunan, mas masaya ang larong patintero. Kahit na minsan ay napala ko ang mga galos sa aking mga paa at binti, Masaya pa rin ako at patuloy akong maglalaro nito. Lagi lang nating tadaan na hindi nakakabuti ang hindi pakikipag socialize sa ibang tao. Matuto rin tayong makipagkapwa tao. Huwag magluklok sa mga laruan dahil mas Masaya ang makipaglaro sa mga totoong tao.

BY: LIZZIE DIMASUHID

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento