Lunes, Oktubre 10, 2011

Ang Gawa Sa Pagkabata, Ay Dala Hanggang Pagtanda

Sa isang munting dampa, ako ay isinilang. Sa dampa ring yaon, ako ay nagka isip na tunay. Ako ay lumaki sa isang normal na buhay sa piling ng aking mga magulang at ng aking mga kapaitd. Mu-mus at wala pang alam sa mga ginagawa, tawag nila sa akin ay isang napaka kulit at malikot na bata.
Laro tayo! Huli ka! Eh, bahay-bahayan kaya?! Takbo! Walang kikilos! Sigaw! Tawa! Hahhaha! Lahat tayo ay dumadaan sa pagkabata.Walang ibang bisyo ang mga bata kundi ang paglalaro. Malinis man o marumi ang linalaruan, ni minsan hindi ito nagging hadlang sa kanilang paglalaro. Ganyan ang mga bata dahil ganyan din ako noon at maging kayo man sa inyong pagkabata.


Umaga palamang, pagkagising ko sa aking tulugan ay agad-agad akong tumungo sa tahanan ng aming kapit-bahay. Hindi upang maki-kain, kundi para makipag laro sa ibang batang naroroon. Dahil bata pa nga ako, puro laro lang ang laman ng aking isip. Linalaro naming ang ibat-ibang larong pambata tulad ng jackstone, dampa, bahay-bahayan, Chinese garter, kingkangkong, steakers, at shatom. Lahat ng larong nabanggit ko ay denidevelop ang pisikal na anyo natin, pag i-isip at ang pakikitungo natin sa kapwa. Kahit puro putik na ang aming mga mukha, wala parin humpay ang aming paglalaro. Minsan nakikipag away kami sa ibang bata at kung minsa’y nag paparamihan ng kaibigan.  Ang daling sabihin “ friends na tayo ha, basta pahiramin mo ko ng toys mo”. Mga bata ika nga, wala pang alam sa buhay. Inaabot kami ng ilang oras sa pag lalaro at pag ka uwi sa bahay ay puro sermon ng mga galit na magulang ang aming inaabot. Ano nga ba ang magagawa nila eh, mga bata pa naman kami. Walang pakialam sa mundo ng ibang tao.


Ngunit, sa paglalaro  hindi natin na iisip na may mga bagay tayong natutunan sa bawat larong hinaharap. Doon tayo unang natutung makibahagi at makisalamuha sa ibang tao o bata. unti-unti din nating nabibigyang sulusyon ang mga pagsubok na dumadaan sa atin kahit ito’y problemang pangbata lamang. Paano nga ba nila na eenjoy ang bawat laro? Ito’y sa pamamagitan ng mga patakarang tinatag nila at sinusunod. Bata palamang, may mga batas na tayong sinusunod kaya’t hindi magiging mahirap sa aitn ang pag sunod sa mga batas na ipinapatutupad ng ating presidente sa ating bansa.
Sa pag uugali naman, sabi pa nila,ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda. Kung paano ka maglaro ay ganun din ang pananaaw mo sa buhay. Ang buhay ay isang laro. Kung marumi kang mag laro ay tiyak na marumi din ang takbo ng buhay mo. Hindi ba’t nakakatuwang isipin na ang pag-uugali natin ngayon, ay dala ng mga gawain natin noong mga bata pa tayo. Maaring ang iba ay nababago natin, pero kadadalasa’y nababaun ito sa ating pag-iisip at ugali.


Napapansin niyo bang unti-unting nagbabago ang hilig ng mga bata ngayon? Mula sa aktwal na takbuhan, ay nasa monitor ngcomputer ang mga mata ng mga bata. ito ay sanhi ng makabagong henerasyon natin nagyon. Unti-unti nang nawawala ang mga katutubong laro ng ating bansa.


Minsa’y naiisip natin ang buhay na puro laro, takbuhan, bahay-bahayan, at malayang nakikibaka sa putikan. Madalas natin itong naiikompara sa buhay natin ngayon. Maaari’y iba-iba ang kinalakihan natin at may ibat-ibang pananaw tayo sa buhay. Mga away bata ay natutumbasan lang ng isang kendi o kahit anong pagkain. Nasasaktan tayo pag ini-insulto ng ibang bata ang bahay mong gawa sa larong bahay-bahayan. Ang daling maghiganti sa kaaway at mag sumbong kaagad sa mga magulang. Sa madaling salita, maliit pa lamang ang kaalaman ng mga bata sa pagkokontrol ng kanilang sarili at ugali sa kapwa bata.


Pero, lahat ng iyan ay nagbabago habang tayo’y namulat at nagka-isip ng matino. Natutunan nating magkontrol sa asal natin tungo sa kapwa tao lalo na’t sa mga matatanda. Pagdating naman sa mga problemang hinaharap, handa tayong harapin lahat ng iyon at gabay na lamang galing sa ating mga magulang ang kailangan natin. Hindi na rin kainlangan ng kendi upang mapatawad ka ng iyong kaibigan, dahil hindi nito napapantayan ang sakit na na-idulot sa kanya. “Wag  maging isip-bata,” eka nga. Baka hindi ka pansinin ng mga taong naka pilibot sa iyo. Subukan mo kayang mag laro ng Chinese garter sa edad na 25 at puro halakhak ang maririnig mo sa paligid. Haha!

Bawat larong pilipino ay sumasalamin sa buhay at kultura ng mga pinoy. Balikan natin ang nakaraan at simulang tangkilikin ang mga larong nag handog ng saya sa ating pagkabata. Hayyy! Talagang ang sarap ng feeling bata. Ang sarap balikan ang mga sandaling puro tawanan at paminsan-minsang iyakan. Laro ditto, laro doon, pasok kahit saang sulok at sisid sa mga putikan.  Kaya wag sabihing walang kwenta ang mga ginagawa ng bata. tandaan mo, dumaan ka rin sa pagkabata. Ang gawa mo sa pgkabata, ay dala hangang pag tanda.

BY: MYRA MONTERO

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento