Martes, Oktubre 11, 2011

Mga Larong Pangkahapon at Ngayon

Ang paglalaro ay bahagi ng buhay ng tao. Bata man o matanda, may buhok man o wala. Wala itong eksempsiyon basta’t ang mahalaga ay nag e-enjoy ka.
 Nakahiligan na ng mga batang pilipino ang maglaro sa tabi ng kalsada, sa paaralan, at maging sa bahay. Hindi nakukumpleto ang buhay ng isang bata kung wala itong nilalaro o pinagkakalibangan. “You miss one-half of your life”, bulalas ng karamihan kapag may isang bata na di marunong maglaro.

 Napakaraming larong pambata ngayon. Dakpanay, Taguanay, Tumba Lata at Slipper Manequin. Ilan lamang ito sa mga larong nilalaro natin noon at maging sa kasalukuyan.
Hanggang ngayon, sariwang-sariwa pa sa aking mga isipan  ang isang larong kinahihiligan ko noon. Wala yatang araw na hindi ko ito nilalaro. “Balay-balay”. Ito ang tawag namin sa larong binubuo ng isang pamilya. Sa larong ito, may tumatayong nanay, tatay, at mga anak. Kasama ko ang aking mga pinsan at mga kababatang kaibigan sa paglalaro ng balay-balay. Sa kuwarto ng Tito ko ang pangunahing setting namin sa larong ito. Agad naman naming hinihahanda ang mga materyales o mga kagamitan para maging makatutuhanan at may buhay ang aming laro. Gamit namin ang isang malaking foam para sa aming bahay na siya ring tumatayo na bubong at mga kumot naman para sa aming pader. Kung iisipin, napakainit sa lood ng aming tinitirhang bahay. Kaya naman, pati electric fan ay ginagamit din namin. O, di ba sosyal! At higit sa lahat, di nawawala ang mga laroang ginagamit para sa kusina. At kapag handa na ang lahat, “Let the Party Begin”!

As always, ako ang tumatayong nanay, si Jonathan, ang aking pinsan, ang tumatayong tatay at  ang iba ko pang mga kasamahan ay ang nagsisilbing mga anak namin. Bilang isang ina, ako ang nag-aalaga ng aking mga anak at ang nagluluto sa kusina. At si Jonathan naman ang naglilinis at ang bumibili ng aming kakainin. Isa sa nagustuhan ko sa larong ito ay lagi akong nabubusog sa oras ng kainan. Imbis na mga laroang pagkain ang aming ginagamit, naghahanda talaga kami ng mga tutuong pagkain tulad ng mga tinapay, chichiria at biscuit. At para di madaling maubos, hinihiwa-hiwa namin ito sa maliliit na piraso bago e-serve sa lamesa. Pagkatapos naming maglaro, agad-agad kaming umaalis sa kwarto ng hindi nililinis ang mga naka kalat na mga laruan. Kaya naman, sa pag-uwi sa bahay, nakakunot na noo ni inay ang sumasalubong sa akin. Paulit-ulit man akong pinapagalitan, paulit-ulit ko pa ring ginagawa ito. Walang nakakapigil sa akin sa paglalaro pwera nalng kung umuusok na ang mga tenga at ilong ni nanay. Kung baga “it’s the end of the world”. Kinalaunan, sa paulit-ulit na paglalaro namin nito at di mailarawan na mga nagkakalat na mga laruan, di na mapigilan ni inay ang magpagawa ng isang maliit na kubo o isang play house para kung maglalaro kami, doon nalng namin gagawin ang mga nais naming gawin kahit magkalat pa kami ng bonggang-bongga.

Nakakatawang isipin na sa murang edad pa lamang ay natututunan na namin noon ang mga papel na ginagampanan ng isang ama at ina sa tutuong buhay .  Kung paano magluto, at kung paano gamitin ang  bagay-bagay tulad ng mga gamit sa kusina.

Kinahihiligan ko rin ang maglaro ng “Paun-paon” mapa Childrens Park man o eskuwelahan, umulan man o umaraw. Memoryadong-memoryado ko pa nga ang mga panahong ako’y nasa ika-apat na elementarya pa lamang. Sa aming paaralan kasi noon, pag uwian na, nilalaro namin ito kasama ang aking mga ka-batchmate. Para sa mekaniks ng larong ito, nahahati kami sa tatlong grupo; ang seksyon Rose, Callalily, at Tulips. Sa bawat koponan, may limampong manlalaro na binubuo ng isang klase o seksyon. Ang sinumang makahuli ng isang manlalaro sa iba pang koponan ay gagawing mga bihag. At kapag ang bawat koponan ay may nahuhuling kalaban, may kasunduang nagaganap na ibabalik ang isang manlalaro sa kanyang mga kakampi kapag ibabalik din ng iba pang koponanan ang mga kakampi ng ibang koponan. Mamamamatay ka nalang sa kakakatawa kung ikaw ay personal na nagmamasid sa amin. Bakit? Sabay-sabay kasi kaming umaataki upang makahuli ng kalaban para bihagin. Kung iisipin, napakaguloong tingnan ang field. Para bang mga maliliit na langgam na binuhusan ng tubig na nagmamadaling gumagapang papalayo para makaligtas.

Ngayong ako’y dalaga na, biglang nagbago ang larong kinahihiligan. Imbis na dakapanay, taguanay, at paun-paon ang nilalaro, mga kompyuter games na ang ginagawang pang-aliwan. Plants versus Zombies, Farm Mania, Angry Birds at CounterStrike. Ilan lamang ito sa mga usong laro nayon na malalaro mo sa kompyuter. Sa limang larong nabanggit, Farm Mania ang palagi kong nilalaro lalo na’t may vacant hours ako. Alam mo ba ang larong Farm Town ? Kung hindi, ang malas mo dahil huling-huli kana sa uso. Ang Farm Mania at Farm Town ay halos magkapareho lamang ng mekaniks. Magtatanim ka lang naman at aalagan mo lang ang iyong  mga alagang hayop,pagkatapos ay e-haharvest mo ito at tsaka ibebenta. Ngunit sa Farm Mania, mayroon silang sapilitang pinapagawa sa iyo para makapagpatuloy sa ibang level. Bawat level ay may time limit, kaya pag di mo ito natapos sa nakatakdang oras, d ka makakakuha ng gold star o gold na tropeyo.

Kung ikukumpara ko ang laro ko noon at ngayon, mas pipiliin ko pa ang mga larong pambata keysa sa atin ngayon. Bakit? Sa larong pambata kasi, tulad ng Paun-paon at Balay-balay, natututunan natin ang pakikipag-isa at pagkakabuklod-buklod. At nakakatulong din ito sa mga bata na malinang ang kaalaman sa pagkamalikhain. Samantalang sa kasalukuyan, kay raming dala na mga disadvantages ang kompyuter games lalo’t lalo na sa mga studyante. Sa halip na mag-aral sila ginugugol nila ang kanilang mga oras sa paglalaro nito. At naaaksaya ang mga perang imbis na gamitin sa mga importanteng bagay, ginagamit itong pambayad sa internet café. At isa na rin sa mga rason nito ay ang hindi tayo nagpapahuli sa mga larong in na in sa ngayon. ‘Di ko naman sinasabing puro larong pambata nalang ang ating dapat laruin. Nakakatawa naman sigurong tingnan na nag cha-Chinese garter, Balay-balay at Paun-paon ang mga nakakatanda. Ang lamya siguro nilang pagmasdan. Puro tawanan, halakhakan at biruan na siguro ang iyong maririnig sa iyong paligid. Kaya Sabi nga nila, “people change” at dahil don, nagbabago din ang interest ng bawat isa.

Eh, kaw bata? Ano ang laro mong pangkahapon at ngayon?

BY: ALEXSIE FUENTES

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento