Martes, Oktubre 11, 2011

Mga nilalaru Ko noong Bata Pa Ako

Naaalala ko pa ang kantyawan, tuksuhan at halakhakan noong aking kabataan. Lalong lalo na ang aming kwentuhan,awayan at ang aming mga kinahihiligang laruin ng aking mga kaibigan.Mga laru kung saan nagbigay ng maraming kasayahan, kaalaman,at naging daan sa paghubog ng aming magandang katangian,tulad ng pagiging matapang sa pag harap sa hamon ng buhay at pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at naging daan rin ito sa pagtuklas ng aming mga kakayahan at kahinaan.Nakapag bigay tulong rin ito sa pakikipag komyunikasyon at interaksyon ng bawat indibidwal.Dahil rin sa mga larong iyon nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Natatandaan ko pa ang pagpatak ng aking luha noong bata pa ako. Naglalaro kami ng tagu-taguan. Upang hindi ako mahuli ng kaibigan kong taya, ako ay nagtago sa madilim na sulok sa likod bahay ng aming kapitbahay kahit ako ay natatakot sa dilim sapagkat ako ay wala nang ibang mapagtataguan.Matagal-tagal rin akong nanatili sa sulok na iyon hanggang sa ako na lamang ang natitirang hindi pa nakikita ng taya kong kaibigan at doon ako ay lumabas na lamang. Dahil sa larong iyon ako ay natutu,natutong harapin ang dilim,dilim na aking kinatatakutan .Sa kabila ng aking takot,nagawa kong harapin ito.Natatandaan ko rin ang dahilan ng pagkakaroon ko ng peklat sa aking dalawang tuhod.Mag aalas singko ng hapon noon ako at ang aking mga kaibigan ay nag iisip kong anong laru ang aming lalaruin ng hapong iyon.Kalaunay napagpasyahan naming mag laru ng tinatawag na Paun-paun. Ito ay laru kung saan mag uunahan kayo nang iyong kalabang panig sa pag save ng magkabilang bahay.Habang ako ay napatakbo patungo sa aking kasamahan para sumopurta sa kanya,ako ay biglang natalisod at doon ako ay nadapa at sa aking pag bangon may napansin akong mahapdi sa aking tuhod,at nang aking tingnan ay may sugat at itoy nagdurugo.Natapos ang larong iyon sa ganoong sitwasyon,subalit ganon pa man akoy nasisiyahan sapagkat doon ako natutong bumangon sa kabila ng sakit na aking naranasan.Doon rin ako natutu kong anong ibig sabihin ng teamwork.Kaya kahit nasugatan man ako sa larong iyon Masaya pa rin dahil nagdulot ito ng panibagong kaalaman kung papano lumaban.Isa rin sa kinahihiligan kong laruin ay ang larong jolen kung saan karaniwang kalaru ko ay mga lalake. Ako ay naaaliw sa larong ito lalong-lalu na kapag marami akong natatalo.Masayang-masaya ako kapag dumadami ang aking jolen. Medyo mahilig rin ako sa larong luksong tinik. Nasisiyahan ako kapag kami ay naglalaru nito lalaong lalu na kapag tumatalon at habang tumatawa at panay kantyaw ang aking mag kaibigan.

Ngayon wala na masyado akong nilalaru maliban sa plants vs. zombies.Hindi kagaya nung mga laru noong bata pa ako ang larong ito ay nagdulot sa akin nang pagkakaroon ko ng katangiang hindi kaaya-aya.Katulad ng pagiging tamad ,nang dahil sa nakakaadik ang larong ito hindi na masyado akong nakakatulong sa mga gawaing bahay.Dahil rin sa kakalaru ko nito ako ay natutong mag sinungaling sa aking ina.Humihingi ako ng pera ngunit hindi ko sinasabi ang totoong pag gagastusan nito.Hindi na rin ako minsan nakakagawa ng takdang aralin ko sa kakalaro. Hindi maipagkakaila na marami sa ating kabataan ngayon ay nasasadlak sa mga masasamang gawain para lang makalaru sa mga larong nasa internet o mga larong kinakailangang may bayad.Masakit man isipin marami sa ating mga kabatang pinoy nakakalimutan na ang mga larong kinahihiligan noon. Hindi ko naman sinasabi na walang masamang naidudulot sa akin ang mga laru noon ngunit kung ako ay papapiliin sa mga larong aking kinahihiligan mas pipiliin ko talagang laruin pa ang laru ko noong bata pa ako dahil tulad nang aking nabanggit na, marami akong natutunan sa mga larong iyon at ang mga laru noon ay malayang nalalaru dahil hindi na kailangang magbayad pa,kahit anong oras mo gustuhin malaya mong nalalaru ang mga ito at isa pa ito ay mga larong pinoy na dapat pagyamanin at mahalin. Hindi kagaya ngayon kailangan pang mag bayad para lang makalaru ka sa gusto mong laruin, pag walang pera hindi ka makakalaru,at hindi kagaya nung laru noon maraming kaibigan ang nasasalamuha mo nang personal ngayon pwede nang maglaro ng mag isa.


Ngayon marami nang kabataan ang tumatangkilik sa makabagong laru dahil ayon sa kanila mas Masaya at high-tech ang mga laru ngayon kung Ikukumpara sa mga laru noon.Hindi nila napapansin ang mga negatibong epekto nito hindi lamang sa kanila kundi pati na rin sa kanilang pamilya at maging sa lipunan man.kasi kapag wala na silang pera panglaru tiyak na gagawa at gagawa sila ng paraan tama man o mali basta lang makapag laru sa mga kinahihiligang laru na karaniwang nasa internet.Nakakalungkot mang isipin kahit ang mga batang mag pipitong taon pa lamang ay marunong ng mag salita ng mga di kaaya-ayang pakinggan tulad ng pagmumura dahil sa impluwensya ng mga kabataang naglalaru ng dota sa internet..

BY: JECCA PEPITO

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento