Martes, Oktubre 11, 2011

Laro Noon at Ngayon

Sa panahon ngayon, lahat na kaya ng mga bata ay laro sa konputer na ang nilalaro? Mga larong gawa sa teknolohiya gaya ng breakgame o kaya’y laro sa cellphone? Sa panahon ngayon, kahit mga batang hindi gaanong nakakangat sa buhay ay ganyan na ang ni lalaro. Mga nagagawa nga naman ng teknolohiya.

Noong ako ay nasa elemntarya pa, kahit anong laro nilalaro ko. Kahit pinapagalitan na ako ng mama ko dahil sa maghapun ko’ng paglalaro ay hindi parin ako tumitigil sa paglalaro. Siguro ay ganyan talaga kapag bata. Hindi laro sa kompyuter ang nilalaro ko noon, hindi kasi ako nalilibang. Kung, nasa pa-aralan ako nilalaro ko ang mga larong, Chinese garter, habulan, kampo-kampo o tigsu-tigsu kung matawag ng ilan. Noon, excited akong magbreak o di kaya’y mag-uwian na, kasi alam kong malilibang na naman kami ng mga kaklase ko. Minsan nga hindi na nakikinig o kaya’y nagsusulat ng mga sulatin.
           
Kung nasa bahay naman, manika, bahay-bahayan o di kay’y slipper game naman ang laro ko. Maramung mga benepisyo ang laro, dahil dito nabubuo ang teamwork, pagkamalikhai, resourcefulness at pagiging sports. Kaya lang, madalas nakakroon ng away dahil sineseryoso ito o dikaya’y hindi na mautos ng mga magulang dahil laro na nang laro. Dahil din kasi nag kakamisunderstanding dahil sa rules na ginagawa namin. Imagine? Bata palang nga kami nakakagawa na kami ng maraming rules sa isang pang batang laro.

Sa pamamagitan din ng laro ito’y nagsisilbing ehersisyo ng mga kabata-an . Nagiging masayahin, maliksi at bibo ang mga bata, Pamamagitan din nito yong mga bata ay malalakas o hindi masakitin dahil nga nagagamit nila ang mga paa nila o kamay sa pag lalaro sa labas. Kaya lang hindi dapat masobrahan kasi nakaksama din sa kalusugan.

Bawat bata, may karapatan maglaro a maglibang. Kaya hindi natin sila mapipigilan kung maglaro man sila sa gusto nila. Pero kung titignan natin ang laro noon at ngayon, ,makikita natin mas higit na makakabuti ang laro noon. Hindi katulad ngayon na magastos at makaksira sa kalusugan. May mga laro sa kompyuter na nakaksira sa pag-iisip ng kabataan maraming nakukuhang mga hindi kaaya-aya at hindi angkop sa edad.

Dahil dito ang mga nayayaman lang ay ang mga may mga internetan dahil sa mga batang gumagasto talaga para lang makalaro sa isang larong nakakasira talaga sa kanilangng pag-iisip. Ang mga laro kasi ngayon ay parang druga na nagiging adik na ang mga nag lalaro nito. Katulad ng DOTA natoto ng mag sugal ang mga kabata-an dahil sa larong ito

Meron ding mga online games na nag a-anyaya sa mga kabata-an na gumasto nga malaking pera para lang sa lumakas ang kanilang character o magiging isang top 1 sa isang walang silbing laro lang. Ang mga larong din ang nag dedevelop na maging mapamura ang mga taong nag lalaro nito.

Balik tayo sa example ko na Dota nung pumunta ako sa isang internetan sa harap ng MSU-IIT para mag pa print ng report ko sa humanities nong pag pasuk ko lang sa internetan ang mga kabataan ay nag sisigawan ng mga di angkop na mga salita. Kaya masasabi ko na mas maganda ang mga laro noon kaysa mga laro ngayon. Na di lang nakakasira sa kalusugan ay nakakasira din sa mga magandang aral na tinuturo ng mga magulang natin sa bahay. Kaya nga ngayon maraming batang tamad at di din mau-utosan dahil nga tinatamad nga o di lang maiwanan ang nilalaro nila sa kompyuter.

O kay sarap balikan ng mga nilalaro ko noon.Eh di lang talaga ako makakalaro dahil nag dadalaga na ako. Oh! Para sayo? Anong laro ang gusto mo? NOON O NGAYON?

BY: JENELYN YEE

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento