Lunes, Oktubre 10, 2011

Larong Pinoy

Ang mga bata ay maraming kinihiligang laro. Ang laro ay nakakapagpasaya sa atin lalo’t na kung mga kaibigan ang ating mga kalaro. Ang laro ay mula pa sa ating mga ninuno. Laro ay isang kasiyahan o libangan. Kinakasangkutan ito ng isa o maraming manlalaro. Matatawag din natin ang laro na isang bahagi ng edukasyon tulad sa agham na MAPEH o kaya naman PE. Sa laro nasusukat kung paano ka mag-isip. Makikita din natin kung paano magpursigi ang manlalaro upang manalo. Nakakatulong din ito sa ating katawan upang magiging malusog at matatag tayo. Sa laro din nakikita kung paano sundin ng manlalaro ang mga mekaniks sa bawat laro. Ang laro ay isang kultura ng mga Pinoy. Minsan sa isang laro may nagsasakitan, nag-aaway, nag-aalitan at gusting manalo. Ang iba naman, kahit natalo na ayaw parin tanggapin. Sa madaling salita ayaw tanggapin ang pagkatalo.
Ito ang mga larong Pinoy na halos laruin ng mga kababataan; patintero, luksong baka, Chinese garter, tumbang preso, bulan-bulan, takingking cross, paun-paon, pusil-pusil, tagudsod, pusil dunggab, habulan, tirabol,  jackstone, Dr. Wakwak, bahay-bahayan, slipper game, text-text, marble, lutu-lutuan, lastiko, taguan, kadang-kadang, luksong tinik, tansan, saranggola at pick-up sticks.

Bata pa ako, marami na akong natutunang mga laro. Palagi nalang ako naglalaro sa bahay o kaya naman sa eskwelahan. Pagkatapos sa klase namin hindi ako agad umuuwi sa bahay. Maglalaro muna ako bago uuwi sa bahay. Minsan sa pag-uwi ko napapagalitan ako ng aking itay kasi ang tagal ko daw umuwi sa bahay. Si inay naman nagagalit sa akin kasi pagdating ko sa bahay ang dumi-dumi daw ng damit ko. Halos napapagod siya sa paglalaba. Nilalaro naming yong mga uso na laruin. Hindi kasi kami nagpapahuli pagdating sa mga laro. Marami akong hinding malilimutan na alaala sa bata pa ako. Noong bata ako, umiyak ako dahil hindi ako binilhan ng baril. Usong-uso kasi yon noon. Naiinggit kasi ako sa iba na naglalaro ng baril. Para sa akin kasi walang pili ang kasarian pagdating sa mga larong Pinoy. Halos kalaro ko noon ay mga lalaki. Maraming laro talaga na nakakatawa tulad ng bahay-bahayan, lutu-lutuan at luksong tinik. Sa bahay-bahayan naman, naghahanap kami ng sako at kahoy upang  gawing bahay namin. Naglalaro kami sa ilalim ng bahay(yong totoo na bahay). Doon naming pinagdugtong ang mga gamit namin. Masaya maglaro kung marami kang kaibigan. Naglalaro kami ng lutu-lutuan sa tabing dagat. Ang mga kagamitan namin ay makikita lang sa tabing dagat. Ang pinggan namin ay mga shells, baso naman ang mga takip ng botelya o kaya naman mga cups, sticks naman ang aming kutsara at tinidor. Ang mga pagkain ay makikita lamang sa dagat minsan ay mga buhangin, baboy-baboy, dahon at bato. Ang pinakanakakatawang laruin ay luksong tinik. Ang luksong tinik kasi dapat tatalon ka sa pinagdugtong-dugtong kamay ng mga kalaban mo. Dapat talagang malakas kang tumalon. May mga laro din na kaya mong gumawa tulad sa larong saranggola, pick-up sticks at jackstone. Ang paggawa ng saranggola ay madali lang. ang kailangan mo lang ay mga walis tingting, tanod at gunting. Sa pamamagitan niyan makakagawa ka ng sarili mong saranggola. Pwede rin lagyan mo ng desinyo o kaya naman pangalan mo. Ang iba naman, ginagamit ang pentil pen pang desinyo. Magagamit at mapapalipad mo lang nag iyong saranggola kapag mahangin sa inyo. Halos naglalaro ng saranggola ay nakatira sa tabing dagat at sa bukid. Sa pick-up sticks, pweding gamitin ang mga barbecue sticks. Kung naglalaro ka nang pick-up sticks dapat marami ang barbecue sticks hindi dapat isa lang. Sa jackstone naman, pweding gamitin ang marble at bato. Marami na akong nalarong Pinoy, lahat ng nabanggit sa ikalawang talata ay nalaro ko na. Masaya talagang maglaro. Noon naglalaro kami ng habulan. Hindi ko makakalimutan noong naglaro kami ng habulan. Nadapa ako noon kasi natulak ako ng kalaro. Nagalit ako kaya inaway ko siya. Umiyak siya at nagalit. Pero makalipas ang ilang araw nagkabati na kami kasi humingi siya ng sorry at humingi narin ako. Aksidente lang pala yong nangyari. Nakakapagod laruin ang habulan. Halos mga kalaro ko noon ang bilis tumakbo. Meron pala akong isang karanasan sa paglalaro ng habulan. Noong naglalaro kami hinibol kami ng aso, mabilis kaming nakatakbo. Nakakatakot at nakakatawa talaga. Ang pinakagusto kong laruin ay Chinese garter at patintero. Maraming laruin ang Chinese garter. May isahan at dalawahan. Ang halos kong laruin ay isahan. Sabi ng mga kaibigan ko na ang lakas ko daw tumalon. Mas nakakaenjoy ang patintero kasi ang kailangan lang ay bilis, liksi at galing. 

Masasabi ko talaga na iba ang noon at ngayon pagdating sa laro. Noon kasi, hindi ginagamit ang pera upang makalaro lang hindi kagaya ngayon hindi ka makapaglaro kung wala kang pera. Nakakamiss laruin ang noon. Ngayon kasi marami ng naglalabasan na mga teknolohiya. Sa kompyuter ka lang maglalaro. Isang pindot mo lang nandoon na. Noon, marami akong natutunan sa paglalaro. Batang-bata pa ako ang hilig kong maglaro. Kapag nagtatanda ka kasi parang nawalan ka ng gana na maglaro sa larong Pinoy. Ang iba naman nahihiya kapag naglalaro ng larong Pinoy. Mas gusto pa nilang maglaro sa kompyuter. Marami akong natutunan sa paglalaro na magagamit ko sa pang-araw-araw na buhay. Natutunan kong magpursigi upang manalo sa buhay. Marunong na akong maghanap ng mga kaibigan. Mataas na rin ang pasensya ko pagdating sa mga bagay-bagay. Marunong na rin akong tumanggap ng pagkakamali. At higit sa lahat marunong tumanggap ng pagkatalo sa buhay. Minsan naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng patintero at Chinese garter kapag may oras ang isa’t-isa. Kaya habang may buhay pa, dapat naman laruin natin ang ating sariling larong Pinoy. Ito lang ang masasabi ko, sa bawat laban ng ating buhay dapat marunong tayong tumanggap ng pagkatalo.

BY: TRAZY TUASTOMBAN

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento