Lunes, Oktubre 10, 2011

Alaala Noon Na Nawala Sa Paglipas Ng Panahon

 Sa aking pagkabata napakaraming laro na ang aking naranasan. Minsan sa mga larong ito ay nanalo ako, ngunit minsan rin naman ay natatalo. Nakakainis nga eh kapag natatalo ako, dahil magpahangggang ngayon ay naalala ko pa an gang lahat ng iyon. Mga laro naming ng mga kaibigan ko na minsan pa nga ay ginagawa sa gabi kahit na alam naming na pagagalitan kami ng mag magulang naming na labis na nagmamahal sa amin. Hahay napakasarap talagang balikan ang buhay pagkabata.

Napakadami talagang lato noong kabataan ko pa. Minsan pa nga nang dahil sa mga larong ito ay nakakauwi ako sa bahay na napakadumi talaga. Kabilang sa mga larong ito ay nag patentero, slipper game, doktok wakwak, jackstone, jolin, sagudsod, takingking-krus, paon-paon, balay-balay, Chinese garter, bato-lata, sipa-lata, takyan, pusil-dinggab, paddle, text, at marami pang iba. Ngayon ko lang naisip na kahit pala larong lalaki ay ginagawa ko rin noon. Pero nagpapasalamat ako at nagging bahagi ng buhay ko ang mga larong ito sapagkat may mga katangian rin akong naedevelop mula rito kasama na ang mga kailangan ko katulad nalang sa mga larong patentero, sipa-lata, bato-lata, paon-paon, Chinese garter, takyan, slipper game ay nadedevelop rito ang teamwork ng bawat isa. Kung paano iligtas ng isa ang kanyang kasama sa team na nakuha o naging bihag ng ibang koponan na kalaban nila. At saka, hindi pa magastos ang mga larong ito, ang kailangan lang ay ikaw, ang koponan mo, at saka ang mag makakalaban mo. At saka nga pala naeexercise mo pakatawan mo ng todo at walang bayad nakakatawa. Kaya naman hinding-hindi ko talaga malilimutan ang mga panahon na ito. Mga alaala ko sa pagkabata,minsan nga eh napapaisip ako na bumalik nalang kaya ako sa pagkabata, pero hindi naman maibabalik diba ang mga panahon na iyon kaya naman kailangan ko nalang tanggapin, at ang mga masasayang alaala na iyon ay laging nakaukit sa puso at isipan ko. At palagi o patuloy itong mananatili sa puso ko.

Sa paglipas ng panahon unti-unti itong nawala. Sapagkat sa panahon naman ngayon, marami rin naming mga laro pero hindi sila katulad ng mga laro ko sa pagkabata dahil ang mag larong ito ay modernong-moderno talaga. Tulad nalang ng mga laro sa facebook, y8, dota, k.o.s,, plant vs. zombies, angry bird, tetris battle, text twist, bookworm at iba pang mga online games o computer games at saka nga pala iyong mga laro rin sa mga malls at iba pang malalaking gusali. Minsan nga lang ‘yong ibang mga laro ay hindi ko alam kung paano laruin. Nakakainis nga eh dahil minsa na a-out of place ako. kasi hindi ko alam kung ang pinag-uusapan nila. At saka nga pala ang mga laro ngayon masyadong magastos, kapag wala kang pera hindi ka makakapaglaro.At minsan ayaw ko rin maglaro kasi palaging may mga matang nakapaligid sayo, tinitingnan kung ano nilalaro mo o ginagawa, marunong ka ba talaga sa larong nilalaro mo. Hahay. Minsan nga wala nang nakakaalala ng mga laro noon dahil sa sobrang pagiging modernisado na ng panahon ngayon. Nakakainis nga eh dahil wala nang nakakaalala, kung meron man konti nalang. Kaya tuloy ang mga laro noon ay nawala na sa kasaysayan ng mga larong pambata, para nalang itong mga alaalang nabuo noon at nawala agad sa paglipas ng panahon.

Kaya naman para sa akin mas masarap at maganda ang buhay bata at ang mga laro nito noon dahil hindi magastos at saka naeenjoy ka talaga. Naeexercise mo pakatawan mo ng todo, hindi tulad ngayon tinatamad ka na kasi nahihiya ka baka kasi kung ano pa masabi ng iba sayo.


BY: IVY SADERNAS

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento