Martes, Oktubre 11, 2011

Laro Ko Sa Buhay

Sa gulang kong 4 years old nakikipaglaro na ko sa mga kuya ko. Wala kasi akong kapatid na babae kaya tibo ako nun. Anyway... nakakamiss rin ang  pagiging bata kasi wala kang pinoproblema, pag gutom ko at may kailangan; may mga nakatatanda na mag-aalaga at mag-aasikaso ngayon. Hindi poproblemahin ang pag-aaral, pera at iba pa. Maraming pwedeng pag kaabalahan pag bata ka.

Karamihan ng laro ay may Pagsisimula. Ito ay kung saan malalaman mo kung sino ang taya. Marami ang mga paraan na ito. Maaring sa pamamagitan ng  toss coin o kung sino ang huling sumali at nag volunteer na sasali siya pero ang karaniwang ginagamit sa lahat ay “Maiba Taya”

Natatandaan ko pa nun yung larong "Langit Lupa". Larong Habulan.  Ang mechanics ng game...napakasimple...pag nasa baba ka ay pwede kang mataya....pag nasa mataas ka na lugar hindi ka matataya.. Kailangan niyo kumanta ng "langit lupa impyerno...im- im- impyerno saksak puso tulo ang dugo..patay buhay, umalis ka na dyan sa pwesto mo..." para malaman kung sino ang taya. At sino ba ang nag-imbento ng kantang yun? Nakakaloka. Madaya ang larong Langit Lupa ngayon...kasi may counting na.. HAHAHA...may sense ba? pag di ka umalis ng five seconds sa langit...ikaw na ang taya..para lang yun sa ayaw umalis sa langit kasi ayaw nilang mataya. Kawawa naman kasi ang taya kung forever na lang sa langit ang mga kalaro niya...dahil forever siyang taya.

Kabilang na dito ang tagu-taguan. Hindi ko talaga alam kung paano ang tamang paglaro nito. May ibat ibang version kasi. Yung una, pag ikaw ang unang nakita..ikaw ang taya, sa pangalawa naman...pag ikaw ang huling “nag-base” ikaw ang aya.. kaya nilalaro nalang naming ito depende sa kung anong gusto ng nag suggest ng larong ito.

Meron kaming combined version ng Larong Taguan at Habulan. Malawak ang pag-iisip naming ng aking mga kapatid at mga kalaro dito sa Town & Country. Dahil sa naboboring narin kami sa paglaro ng mga larong nai-mention ko above, may mga kakaiba kaming laro na ginagawa. May kadiri, weird, at super ewan na laro. May laro kaming “Hagisan ng tuyong tae ng aso” hahaha. Yun ang larong kawawa ka talaga.  Pulutan yun ng mga tuyong dumi sa daan with the use of a dahon or a paper para di madumihan kamay mo.. Kahit kadiri, masaya naman. Naimbento yun ng panganay naming at si Dingdong na kalaro ko noon pero lumipat na siya sa Project 4. Habulan yan at walang katapusang habulan. Habulan, takutan at taguan ang larong iyon. Pwede ka kasi mamatay sa takot Haha. Kawawa ka kapag ikaw ang nahagisan..iyon na ata ang pinakamalas mong araw. Haha. May thrill at exciting.Mahilig kaming magkakapatid sa excitement. Mga brutal at bayolente kasi ang pag-iisip ng mga kapatid ko.



Dumako naman tayo noong 6-7 years old ako. Larong pellet gun. Nauso ang pellet gun nung mga araw na iyon kaya lahat ng makikita mong batang lalaki sa kalsada ay may pellet gun. Ako ang tagapulot ng pellet kasi nalilibang ako dito. Larong habulan iyon na pwedeng nakasakay ka sa bike at naghahabulan, nagtitirahan kayo ng bala at iniikot ang buong village.. Gagamitin mo ang pellet gun para makatama ng kalaban. Masakit yun. Magkakaroon ng redness sa body mo. Haha. May mga barkada kasi kami at ako lang ata ang babae…minsan tumatagal kami ng 6 pm sa paglalaro kasi half day lang naman ang pasok at wala masyadong assignment. Yan ang advantage pag bata ka.
Patintero…. The objective of a team is to accumulate as many points by passing the lines without being tagged. A defensive team is called line guard while an offensive team is called the passer. Dumarami ang version ng Patintero as years go by, May nadadagdag sa line-up. May tinatawag na “patotot” tama ba? Iyon ay idinagdag sa line-up ng line guard group kapag masyadong marami ang players..for example 20 players dahil malaki ang possibility na manalo ang passer kapag madami sila.
Ang makasaysayang tumbang preso ang favorite ko sa lahat..Hindi ko lubos maunawaan kung bakit tinawag na “preso” ang lata. ito ang mechanics ng game:           
Binibilugan ng mga manlalaro ang palibot ng lata at inilalagay ito sa gitna. Guguhit ng din ng manuhan para sa ibang manlalaro. Ang taya ay tatayo sa may malapit sa lata at ang ibang manlalaro ay pipila sa manuhan na may layong apat na metro o hanggang saan nila gusto. Isa-isang titira ang mga manlalaro ng kanikanilang mga tsinelas. Pagnatamaan ng unang manalalaro ang lata, kailangan niyang kunin ang kanyang tsinelas at bumalik sa manuhan bago paman mabalik ng taya ang lata sa puwesto. Paghindi natamaan ng unang manlalaro ang lata ay tatayo siya sa lugar na kung saan nakalagay ang kanyang tsinelas at maghihintay sa pangalawang manlalaro na patumbahin ang lata.
Kung mabilis ang taya at mabalik niya ang lata sa puwesto at maabutan pa niya ang manlalarong kumukuha ng tsinelas, ang manlalaro na nahuli ay siya nang taya.

1.Hindi maaring tayain ng taya ang isang manlalaro na hindi nakatama sa lata paghindi pa nahahawakan ng manlalaro ang kanyang tsinelas. 2. Ang manlalaro ay hindi maaring bumalik sa manuhan kung hindi niya nakukuha ang kanyang tsinelas. 3. Kung hindi hahawakan ng manlalaro ang kanyang tsinelas hindi siya maaring tayain ng taya. 4. Kung maraming hindi nakatama mas madaling makahuli ng manlalaro. 5. Kung ang tsinelas ay nakapuwesto sa may guhit na bilog sa lata, maaring tapakan ng taya ang tsinelas sabay apak sa lata. Sa ganitong paraan ang may-ari ng tsinelas na naapakan ay siyang magiging taya.

Masaya rin ang “Agawan Base” . Nakakaloka. Ang kailangang gawin ay "agawan" nang isang grupo ang kabila ng base sa pamamagitan nang paghawak o pagtapak dito. Pero kapag nahawakan ka ng kalaban ay makukuha ang kakampi mo at dadalhin siya sa base ng mga kalaban niyo. Sa larong ito ang daming imbento. Hahahaha. May tinatawag na pagkuha ng “lakas”… Kung sino man ang huling nakahawak sa base niya ay ang siyang may lakas na manghuli ng sino man na mas naunang umalis ng base nila. At sino man ang mahuli ay dadalhin sa base para maging bihag. Para makatakas ang bihag ay kailangang "maka-base" ang kanilang kampo. Para rin itong mataya-taya, kailangang isisigaw ang "taya" kada may
mataya. Habang tumatagal ang laro niyo ay pwedeng maraming mangyari sa inyo. Maaring mataya at maging bihag ang mga kakampi mo o ikaw tapos hahaba ng hahaba ang linya ng mga bihag. I-stestretch ng kakampi mo na pinakahuling bihag ang kamay niya para madali kayong i-save ng ibang kakampi mo na hindi pa taya at sa swerte niyo ay makaka –base pa kayo..Haha. Strategy at teknik-teknik lang yan.
                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                             Naging gurly na ako. Natuto akong makihalubilo sa iba pang girls at maglaro ng Chinese garter na may pinamagatang “Ten Twenty” Halos araw-araw sa loob ng dalawang taon ko ito nilaro. Nagkaroon ng maraming versions. Ito ang laro kung saan hindi mo dapat matapakan ang garter kasi ibig sabihin nito ay “dead” ka na at turn na ng isa pang player. Marami na rin ang hindi ko natandaan. Basta maraming laro na rin ang sumusulpot every year katulad ng “ice ice water” na may kantang “if your foot is dirty…please go home and change it. Nakakasawa ang game na ito pero madalas lang itong laruin sa school.
Ganyan talaga pag bata ka....free ka gawin ang mga gusto mo.....puro happenings...haha. Nakakamiss anoh? :P

BY: LYNE SEMBLANTE

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento