Lunes, Oktubre 10, 2011

Mga Kaibahan Sa Mga Laro Noon At Ngayon

Sa gulang kong 6 years old, nakikipaglaro na ako sa kaibigan kong mga lalaki ayoko ko kasi sa mga larong pambabae kaya tibo ako noon. Nakakamiss talaga ang pagiging bata kasi wala akong pinoproblema, pag gutom ako at walang pera may mga nakakatanda naman para mag alaga at mag asikaso saken. Hindi rin pinoproblema ang pag-aaral kasi parang paglalaro lang ang pag aaral at higit sa lahat mas marami pang pgkakaabalahan kung ikaw ay bata pa.

Lagi nating sinasabi na masuwerte ang kabataan ngayon. May ine-enjoy sila na technology na wala noong kapanahunan natin. May internet na ngayon, computer, psp, facebook, cellphone, iphone, ipod, mp3, at iba pa. Lahat na yata ng bagay na makakapagpaginhawa sa buhay natin noon eh nararanasan na ng henerasyon ngayon iba-iba nga lang ang paraan. Sa panahon ngayon, ang nilalaro ng mga bata ay nasa internet games, computer games, PSP, cellphone, at marami pang ibang mga bagay na mga hi-tech. Pero bago tayo nakakapaglaro sa mga hi-tech na mga bagay na yan eh kailangan muna natin silang e’download, internet connection, accounts, pera o kaya’y kurente. Di tulad sa mga laro natin ngayon na ang higit na kailangan lang ay ang energy sa ating katawan at ang ating mga tunay na kaibigan.

Subalit kahit hindi ganun ka hi-tech sa panahon namin noon nag e-enjoy na kami sa mga simpleng larong katulad na lamang langit lupa at  Ang mechanics ng game ay napakasimple, pag nasa baba ka ay pwede kang mataya, pag nasa mataas ka na lugar hindi ka matataya. Kailangan niyo kumanta ng "langit lupa impyerno im- im- impyerno saksak puso tulo ang dugo patay buhay, ahhlis kung sinong umalis ay siya’y panget " para malaman kung sino ang taya. At sino ba ang nag-imbento ng kantang yun? Nakakaloka. Madaya ang larong Langit Lupa ngayon kasi may counting na  pag di ka umalis ng five seconds sa langit , ikaw na ang taya para lang yun sa ayaw umalis sa langit kasi ayaw nilang mataya. Kawawa naman kasi ang taya kung forever na lang sa langit ang mga kalaro niya dahil forever siyang taya.
Pangalawa ay tagu-taguan. Hindi ko talaga alam kung paano ang tamang paglaro nito. May ibat ibang version kasi. Yung una, pag ikaw ang unang nakita..ikaw ang taya, sa pangalawa naman...pag ikaw ang huling “nag-base” ikaw ang taya.. kaya nilalaro nalang namin ito depende sa kung anong gusto ng nag suggest ng larong ito.

Pangatlo ang pellet gun (pusil-pusil)  nang nauso ang pellet gun lahat ng makikita mong bata sa kalsada ay may pellet gun narin. Ang mechanics ng laro ay habulan na pwedeng nakasakay ka sa bike at naghahabulan, nagtitirahan kayo ng bala at iniikot ang buong village.. Gagamitin mo ang pellet gun para makatama ng kalaban. Masakit yun. Magkakaroon ng redness sa body mo. Haha. May mga barkada kasi kami at ako lang ata ang babae…minsan tumatagal kami ng 6 pm sa paglalaro kasi half day lang naman ang pasok at wala masyadong assignment. ‘Yan ang advantage pag bata ka.

Pang apat ay ang agawan base o mas kilala sa pangalang paun-paon nakakaloka ang larong ito ang kailangang gawin ay "agawan" nang isang grupo ang kabila ng base sa pamamagitan nang paghawak o pagtapak dito. Pero kapag nahawakan ka ng kalaban ay makukuha ang kakampi mo at dadalhin siya sa base ng mga kalaban niyo. Sa larong ito ang daming imbento. Hahahaha. May tinatawag na pagkuha ng “lakas”. Kung sino man ang huling nakahawak sa base niya ay ang siyang may lakas na manghuli ng sino man na mas naunang umalis ng base nila. At sino man ang mahuli ay dadalhin sa base para maging bihag. Para makatakas ang bihag ay kailangang "maka-base" ang kanilang kampo. Para rin itong mataya-taya, kailangang isisigaw ang "taya" kada may mataya. Habang tumatagal ang laro niyo ay pwedeng maraming mangyari sa inyo. Maaring mataya at maging bihag ang mga kakampi mo o ikaw tapos hahaba ng hahaba ang linya ng mga bihag. I-stestretch ng kakampi mo na pinakahuling bihag ang kamay niya para madali kayong i-save ng ibang kakampi mo na hindi pa taya at sa swerte niyo ay makaka –base pa kayo. Strategy at teknik-teknik lang yan.

Nilalaro ko din ang habulan, ten twenty, at marami pang iba. Ang mga larong aking nabangit ay may pagsisimula kung saan malalaman mo kung sino ang taya. Marami ang mga paraan na ito. Maaring sa pamamagitan ng  toss coin o kung sino ang huling sumali at nag volunteer na sasali siya pero ang karaniwang ginagamit sa lahat ay “Maiba Taya”.

Totoo talaga na sa simpleng laro lang noon, solb na ang mga bata at ang kanilang mga katawan noon ay masasabing matibay sa anumang mga karamdaman dahil sanay sila sa mga larong may pisikal na kasama. Ngunit ang mga bata ngayon, bihira na lang ang mga naglalaro ng mga nilaro ko noon. Mas gusto nila ngayon ang nakaupo na lang at manood ng mga cartoons at anime. Naimpluwensyahan na din sila ng mga drama at fantaserye. Madalas na din silang nasa harap ng computer, naglalaro ng mga online games tulad ng counter strike, dota, coquer at kung ano-ano pa. Busy na din sila sa kanilang mga cellphones at alam na nila ang ibig sabihin ng ”textmate”.

Kaya para sa akin, mas maganda parin ang mga laro namin noon dahil hindi lang nakakapagbigay ng aliw kundi nakakatulong pa sa kalusugan ng mga bata at wala pang gastos.

BY: STEPHANIE QUIDLAT

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento